CHAPTER SIX

2.3K 60 5
                                    


          Hindi ako mapakali ng umabot ang gabi. Hindi ako makatulog. Una, dahil masaya ako at makakapalaro ako ng basketball. Pangalawa, si anne. Simula ng dumating sya sa buhay ko ang daming nagbago. Hays!

Hindi ka pwede magkagusto sa kanya, eew! Itatakwil ako ng pederasyon kapag na-inlove ako sa kanya. Kaya naisipan ko munang lumabas ng kwarto. Kumuha ako sa juice sa ref at nagtungo ako sa terrace naming at umupo sa upuan.

"Is there something bothering you, anak?" tanong ni mommy at umupo sya sa tabi ko

"Wala naman po, Mama. Naisip ko lang po si Papa. Madami lang po talaga syang inaasahan sa amin ni Kuya Paulo"

"Naiintindihan ko naman ang Papa mo, anak. Pero mas nauunawaan ko na kung ayaw mo talaga sumabak sa military ayos lang sa akin. Mas pabor pa sa akin yun dahil ayoko mawala ka. Pero gusto naman ng kuya mo"

"Sa totoo lang po, naiinggit ako kay kuya kasi sobrang proud si Papa sa kanya. Samantalang ako, kailangan ko pang gawin yung gusto ko para maging proud sya"

"Basta gawin mo lang kung ano magpapakasaya sa'yo, anak. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayong magkakapatid. At lagi ko kayong susuportahan sa mga gusto nyo sa buhay"

"Thank you, Ma"

"Oh sya, mauna na muna ako. Baka magising yung Papa mo. alam mo naman, nagi-sleep talk yun minsan"

Natawa ako bigla. Oo, may gano'ng eksena si Papa kapag tulog kaya kailangan bantayan. Pero minsan natatawa na lang ako sa kanya. Masaya na rin ako kasi nakasuporta si Mama sa amin. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.

Kinabukasan, Maaga akong nagising at ako ang nagluto ng breakfast namin. Tutal, mamayang 8:30 a.m. pa naman ang pasok ko. kaya pagbaba nilang lahat mula sa second floor ng bahay nagulat sila nang makita nila akong nag aayos ng hapag-kainan naming

"Good Morning!" masigla akong bati sa kanila

"Ikaw lahat gumawa nyan, anak?" tanong ni Mama

"Opo. Nagustuhan nyo ba?"

"Oo naman, anak. Maraming Salamat"

At umupo silang lahat. Agad akong nagtimpla ng kape para kay Papa. Nang matapos ko maitimpla iyon, inilapag ko yun sa labi ng plato nya at saka ako umupo sa upuan. Katabi ko nga pala yung little sister ko na si Emily

"Kuya, ang galing mo naman magluto. Nagawa mo lahat ng ito"

"Salamat, sis"

"Kuya, sa susunod mag bake ka naman ng cookies"

"Sige, kapag may time si Kuya"

"Yehey, thank you!"

"Ah Paulo, kamusta ang pag-aaral mo?" tanong ni Papa kay Kuya

"Mabuti naman, dad. Actually, sinabihan na kami na kailangan may mapasukan na kaming training office bago kami maka graduate. Iniisip ko nga po kung saan"

"Sige, sasabihan ko na lang ang Tito Alfred mo na kung pwede doon ka nalang sa hanay nila mag training. Ayos lang ba yun sa'yo?"

"Opo, Pa. salamat po"

"Walang anuman, anak. Basta para sa pangarap mo"

Kitang-kita ko kung paano suportahan ni Papa si kuya. Simula siguro nunng nag college sya. At pumasok sya sa mundo ng mga pulis sobrang pagmamalaki nya dito. Pero, wala na rin naman akong magagawa kasi yun sila. Lalo na kay kuya. Isa yan sa mga pangarap nya

"Anak, may nasalihan ka na bang club?" tanong ni mama

"May naisip na po akong salihan. Baka po magsimula na akong mag training"

"Talaga, anong club naman yan?"

"Basketball po, Mama"

"Wow, magandang sports yan, anak. Galingan mo ha"

"Kailan ka pa natuto maglaro ng basketball?" tanong ni Kuya

"Hindi mo ba natatandaan na sumali ako sa basketball team noong high school pa ako. Nag champion nga ang school, diba?"

"Ay oo nga pala. Sorry nakalimutan ko"

"Cyrus, maganda yung napili mong sports na sasalihan. Pero h'wag mo kakalimutan ang pag-aaral mo ha" bilin ni Papa

"Opo, Papa"

"Kumain na tayo"

:z

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon