CHAPTER FOURTEEN

1.7K 51 4
                                    

Maaga ako pumasok ng araw na iyon. Sabado, may klase ako at gano'n din sila Anne. Kaya naisipan ko na punatahan sya sa room nila. Pagdating ko doon nagtataka ako kasi lahat sila nakatingin sa akin. Nakita din ako ni Anne at agad akong nilapitan

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Sige, pero hindi dito"

"Bakit naman?"

"Mapapagkamalan tayong mag dyowa"

"Ay, ganun?"

Hinila ni Anne ang braso ko at nagtungo kami sa may rooftop. Hindi nya pa rin binibitwan ang kamay ko hanggang sa makarating kami

"Anne..."

"Oh bakit?"

"Yung kamay ko"

"Ay, sorry"

Pagkasabi nya no'n bumitaw sya at napangiti na lang ako

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong nya

"Pero bago ko sabihin yun hayaan mo muna na gawin ko 'to sa'yo"

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya

"Ah, Cyrus..."

"I just want to say thank you, Anne"

"Thank you?"

Umalis ako sa pagka-yakap sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya

"Kasi dahil sa'yo nakapasok ako sa basketball team!" masaya kong sabi sa kanya

"Talaga, nakapasok ka?" gulat nyang tanong

"Oo, te. Dahil yun sa'yo. Thank you!"

Bigla syang napayakap sa akin. Nagulat din ako sa ginawa nya kaya hinayaan ko na lang din

"Ay, sorry" sabi nya

"Ayos lang, sis. Salamat sa'yo ha. Dahil dyan iti-treat kita mamayang uwian"

"Buti naman natanggap ka ni kuya sa team"

"Oo. Kaya makiinig ako sa kanya sa oras na sinalang na ako sa court. Salamat sa suporta mo sa akin, Anne"

"Sus, wala yun"

"Bestfriend na kita ha"

"Oo, sige"

"Tara na?"

"Teka, sino pala yung lalaking kausap mo nung isang araw?"

"Selos ka naman?" asar ko sa kanya

"Hindi ha! Bakit naman ako magseselos?"

"President namin yun. Don't worry, wala yun"

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Saka straight yun, baka masapak lang ako no'n. Sayang ang beauty ko pag ganun"

"Buti naman alam mo. pero, sikat kana ha"

"Oo, nakakaloka yung mga babae. May nagpapa-picture pa nga eh"

"Ayaw mo no'n madami ka ng fan girl"

"Eeww!" sagot ko at nagtawanan kami. Pero ewan ko ba, masaya ako kapag kausap ko sya. Siguro kasi hindi sya nandiri kahit alam nyang bakla ako

ftW

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon