CHAPTER SEVENTEEN

1.7K 50 10
                                    


CYRUS'S POV

Ewan ko ba pero simula nung nakilala ko si Anne wala na akong ibang naramdaman kundi kasiyahan. Siguro kasi naiintindihan nya din ako. Hinatid ko na sya sa kanila kasi baka mapagalitan ako ng kuya nya. kaya pagdating namin doon nakita ko ang Papa nya at ang kuya sa labas. Kinakabahan akesh. Jusko!

"Hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang sya" sagot ni Anne sa Papa nya. ang tapang kasi ng mukha ng father nya.

"Gusto ko po humingi ng paumanhin kung ngayon lang po nakauwi si Anne. Sa totoo po, kasama ko po sya. Nagpasama na rin po ako dito para hindi kayo mag-alala" sagot ko

"Anong pangalan mo?" tanong ng Papa nya

"Cyrus Lee po"

"Bakit pinagpapawisan ka?"

"Huh?"

Kinuha ko yung panyo ko at pinunas ko sa mukha ko

"Pink?" tanong ng kuya nya

"Ah, sa kasi po sa kapatid ko yan. Nagkapalit po yata ng panyo" sagot ko. Naku, mamaya mabuking na baklush ako!

"Pumasok kayo sa loob"

"Ah Papa, uuwi na po si Cyrus"

"Hindi sya uuwi hangga't hindi ko sinasabi"

"Kaya mo ba, Lee?" tanong ni Kuya Jerome

"Sige, kuya"

At nauna silang pumasok sa loob ng bahay nila at naiwan kami ni Anne sa labas

"Pasensya kana, Cyrus"

"Ano ka ba, wala yun"

"Tara na"

"Okay"

At tumuloy kami sa loob ng bahay nila.

"Oh anak, buti naman nandito kana" sabi ng Mama nya at napatingin sila sa akin

"Good Evening po" bati ko sa kanila

"Ang gwapo mo naman, hijo. Anong pangalan mo?"

"Cyrus po"

"Boyfriend ka ba ni Anne?"

"Ay, hindi po"

"Bawal pa mag boyfriend si Anne"

"Hon, wala namang masama kung mag boyfriend ang anak natin. Saka dumdating talaga yan sa buhay"

"Ang mabuti pa maupo tayo"

Umupo kami sa sofa nila. Katabi ko yung Papa at kuya nya. at kung makatingin naman sila sa akin parang kakainin ako

"Pa, kasama sa basketball team si Cyrus"

"Ah kaya naman pala. Ikaw ba, wala kang ibang girlfriend?"

"W-Wala po..."

"Anong trabaho ng mga magulang mo?"

"Isang navy si Papa at accountant naman po sa isang bangko si Mama"

"May mga kapatid ka?"

"Opo, may kuya at bunsong kapatid po ako"

"Naku, tigilan nyo nga si Cyrus. Pasensya kana sa asawa ko ha. Ganyan lang talaga yun"

"Wala po yun. I understand why they are like that"

"Salamat, hijo"

Hindi din ako nagtagal doon at umuwi na ako sa amin. Masaya ang gabing iyon para sa akin.

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon