CHAPTER TEN

2K 60 10
                                    

Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang matanong si Dino sa ajkin. Like duh, hindi ko dyowa si Anne. Saka hindi ako pwede mainlove sa kanya. Pagkatapos naming sa gym umalis na kami at nagsabay kami umuwi pagkatapos ng klase

"Una na ko sainyo, sisters" sabi ko sa mga friend kong beki

"Saan punta mo?" tanong ni Aki

"Dyan lang"

"Sus, may kasama kang lalake no?" tanong ni Ken

"Wala ha. Saka wala pa sa isip ko ang mag boyfriend"

"Pero may papakilala kami sa'yo. Want mo?" tanong ni Joey

"Tigilan nyo na nga si Cyrus" sabat ni Anne

"Hi, mars!" sabi ni Aki sabay beso

"Wala ka na ring klase?" tanong ni Ken

"Wala na din"

"So, go na tayo?" tanong ni Aki

"Isinama ko na sila. Baka kasi magtampo sila sa atin" sabi ko kay Anne

"Okey lang. mga friends naman natin sila"

"Let's go na" sabi ni Joey

"Ikaw talaga pagdating sa pagkain ang bilis mo" sabi ni Aki

Nagtawanan na lang kami habang naglalakad kami. Nasa likod nila kami. Wala pa ring maisip na pag-usapan. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko. pagdating namin sa convenience store bumili kami ng ice cream at ikinuwento namin sa kanila ang nangyare

"What?!" gulat na tanong nila

"Bakit parang gulat na gulat kayo, mga 'te?" tanong ni Cyrus sa kanila

"Bakit ka sumali sa basketball team, delikado dun" sagot ni Aki. "Pisikalan kaya ang sports na yun"

"Oo nga. Saying beauty mo" sabi naman ni Ken

"Gaya nga ng sinabi ni Cyrus gusto nya yung sport na yun. Saka ang daming gwapo doon. Saka madami ding mga lalaking pawisin kapag nagkataon makikita mo yun, diba?" sabi ni Joey at nagtawanan kami

"May gwapo doon kaso mayabang"

"Sino?" tanong ni Anne

"Si Dino"

"Ay oo, gwapo talaga yun si Dino Hernandez. Sikat sya" sabat ni Ken

"Kaya lang playboy naman yun e" sabat ni Joey. "Masasaktan ka lang doon, sis"

"Naranasan mo na?" tanong ni Aki at nagtawanan kami

Pagkatapos naming kumain ng ice cream nagpaalam na rin kami sa isa't-isa para makauwi na din. Pero napansin ko na wala na si Anne sa tabi ko. kaya hinabol ko sya.

"Teka!" sigaw ko at napalingon sya. Huminto lang ako nung nasa harap ko na sya. "Ang bilis mo naman maglakad, sis. Hindi tuloy kita nahabol"

Sabay kuha ng panyo at pinunas ko sa mukha. Natawa sya ng makita nya ako nun. Kaya nagtaka ako bigla

"Talaga bang hindi alam ng papa mo na bading ka?"

"Hindi. Dahil hindi ko naman nilalabas sa kanya ang kabaklaan ko no"

"Malay mo, tanggapin ka nya"

"Naku, bago pa mangyare yun nabaril na nya ko. saka, kilala ko si Papa. Itatakwil ako no'n"

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Ihahatid na muna kita sa bahay nyo"

"Sige"

"Nililigawan kaba ni Dino?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Kasi kinausap nya ako. Sabi nya, kung nililigawan daw ba kita. Sabi ko hindi. Pero alam ko, nagseselos yun"

"Pa'no mo nalaman?"

"Kahit paano lalaki pa din naman ako kaya ramdam ko kung nagseselos ang isang lalaki"

"Okay"

"Pero hindi mo sya bet?"

"Hindi naman seryoso yun. Biruan lang. Saka takot sya kay kuya"

"Gusto mo kaya nya harapin ang kuya mo?"

"Oo. Basta something na mapapatunayan nya na mahal nya ako"

"Mag boyfriend kana kasi, Anne"

"Hindi ko pa alam"

Nang makarating kami sa bahay. Doon kami huminto sa tapat. Pang Spanish style yung bahay pero malaki naman.

"Thank you sa paghatid, sis" sabi nya

"Welcome"

"Mag-iingat ka"

"I will. Thank you din sa pagtulong sa akin ha"

At inilapit nya yung mukha ko sa kanya at napapikit sya. Kaya natawa ako. Nakipag besuhan lang ako at umalis na rin ako. Nakakatawa talaga sya

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon