CHAPTER FOUR

2.6K 76 12
                                    

Nang lunch break, hindi ko kasabay kumain sina Hazel at Melisa. May pupuntahan lang sila saglit at susunod na lang sila. Pagdating ko naman sa canteen nakita ko sina Aki, Joey at Ken. Teka, Si Cyrus ba yung kasama nila? Oo! Si Cyrus nga!

"Aki!" sigaw ko at napalingon sila. Si Cyrus nga. Kaya lumapit ako sa kanila at pumayag naman sila na sumabay ako sa kanila. Magkatapat kami ni Cyrus pero hindi nya ako tinitignan.

"Oh sister, kamusta?" tanong ni Aki

"Okey lang naman, sis" sagot ko

"Balita namin nag bakasyon kayo sa province nyo"

"Ah oo. One week lang naman hindi rin ako nagtagal doon"

"Madami bang pogi doon?" tanong ni Joey

"Ikaw talaga puro lalaki yung iniisip mo" sagot ni Ken sa kanya at natawa ako at napansin ko na napaka tahimik din pala ni Cyrus

"Cyrus, okey ka lang ba dyan?" tanong ni Aki. "Kanina ka pa tahimik dyan, may problema ba?"

"Ah wala naman. iniisip ko lang kasi kung anong club ang sasalihan ko ngayon"

"E ano bang hilig mo sa sports?"

"Hmm... Gusto ko sana basketball"

"Basketball?" gulat nilang tanong

"Oo. Bakit?"

"E diba, bawal ang beki sa basketball?" mahinang tanong ni Joey

"Beki ka?" gulat kong tanong

"Ssshh! H'wag kang maingay, sis. Bawal kasi malaman na beki si Cyrus" sabi ni Ken

"Oo, sis. Kapag nalaman ng iba na beki si Cyrus malamang may mangyari sa kanya" sabi naman ni Aki

"S-Sorry. Hindi ko kasi alam"

"Now you know na, sis"

"Ay, umorder na nga tayo. Nagugutom na ako"

"Ako din" sagot ni Joey

"Sasama na din ako" sabat ni Ken at umalis silang tatlo at naiwan kami ni Cyrus. Ewan ko ba pero parang nakakailang naman dito

"C-Cyrus..."

"Yes?"

"Totoo bang bakla ka?" mahina kong tanong

"Hindi kaba makapaniwala?"

"Oo eh"

"Hm, expected ko na yan. Madami talagang magugulat"

"Pwede ba ako makipag kaibigan?"

"Sige, sis"

"Salamat"

Ilang sandali pa dumating na yung mga beki at sabay-sabay na kaming kumain. Hindi rin ako makapaniwala na bading si Cyrus. Pa'no ba naman napaka gwapo nun saka kung tutuusin parang nakakapang hinayang naman. pero wala akong magagawa kung talagang gano'n sya.

After nang klase namin, dumiretso ako sa may covered court ng school. May nagpa-practice kasi ng basketball doon at syempre kasama ang kuya ko doon. Third year college na sya. At lagi kaming sabay umuuwi

"Oh, wala ka ng klase?" tanong ni Kuya Jerome

"Wala na"

"Matatapos na din kami"

"Hi, Anne" bati ni Dino, close friend ko sya at magkasing edad lang din kami

"Hoy Dino, h'wag mong mapormahan 'tong kapatid ko. bawal pa mag boyfriend yan"

"Alam mo sa ginagawa mo hindi talaga magkaka-boyfriend si Anne. Ang istrikto mo"

"Di bale ng istrikto. Kesa naman makita kong masaktan sya"

"Bakit pala medyo late kayo ngayon?" tanong ko

"Naghahanap si coach ng mga bagong sasali sa basketball team. Kaya ayan, naghahanda kami"

Naalala ko bigla si Cyrus

"Kuya, may kakilala ako. Gusto nya sana mag try-out"

"Sige, papuntahin mo dito bukas ako na kakausap"

"Sige, salamat"

Sigurado matutuwa si Cyrus dito!

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon