RYAN'S POV
Nanood ako ng basketball game ni Cyrus that time. Super proud ako sa mga achievements nya. Nawala lang yung ngiti ko ng makita ko si Anne sa malapit sa bench ng team ni Cyrus. Nang mag time-out nakita ko na nilapitan sya nito at nginitian. Oo, nagseselos ako.
Karapatan ko naman kasi boyfriend ako. Pero ano magagawa ko, wala naman diba?
Nang makauwi ako, nakatanggap ako ng text message mula sa kanya:
From: Cyrus
Hi love. Sorry kung wala nakong time sayo. Sobrang busy e. Alam mo naman. Pero nakita kita kanina sa game ko. Thank you, iloveyou.
Iloveyou. Salitang napaka sarap pakinggan pero bakit hindi ko na madama sa kanya?
Tinawagan ko sya.
"Hello..." sabi ko
"Hi, Ryan. Napatawag ka?"
"Congrat's sa game mo. You're truly amazing"
"Thanks. Syempre may inspirasyon"
"Sino?"
''Syempre ikaw. Sino pa bang gusto mo?"
"Mahal mo pa ba ko?"
"Ry, ano bang sinasabi mo? Syempre mahal kita"
"Pero hindi yun ang nakikita ko, Cyrus. Gusto ko maniwala na ako yung dahilan. Na ako yung mahal mo. Pero hindi e. Akala mo ba masaya ako pag nakikita kitang masaya sa piling ni Anne? Hindi ako masaya at nasasaktan ako"
"Pinag usapan na natin 'to, diba?"
"Oo. Ang tanga ko kasi pumayag ako"
"Ryan, pagod ako. H'wag ngayon"
"Hindi mo ko kaya ipagmalaki sa parents mo kasi natatakot ka. Kaya kita ipaglaban sa parents ko, umamin na kasi tayo. Nahihirapan na ako"
"Hindi pa ko pwede umamin, Ryan. Sorry kung nasasaktan na kita"
"You have to choose, Cyrus. Let's settle this for once. Ako o si Anne"
"What?" Gulat nyang tanong
"Pagod nako, Cyrus. Sobra nakong nasasaktan. Hindi ko na madama na may boyfriend ako. I want this pain out of my life and this is the only way para mangyari yon. Now choose"
"Don't do this, Ryan. Akala ko ba walang susuko?"
"I'm tired of this f*cking plan!"
"Kasalanan ko naman kung bakit tayo hahantong sa ganito. But i'm sorry, i will choose, Anne"
"So, na inlove kana talaga sa kanya?"
"Mahal kita. Pero hindi mo magawang hintayin. Gusto sya ng parents ko"
"At gusto mo na din sya, diba?"
"I'm starting to like her. I know this is weird but everytome we're together she's always put what's the best for me"
"Ngayon malinaw na sakin lahat. Nagkamali ako ng lalaking minahal. You're such a coward, Cyrus!"
At binaba ko yung phone ko. Hindi ko na napigilan ang maiyak. Mas pinili nya yung babaing yun kesa sa akin. Hindi nya ko mahal. Hindi nya ko minahal. Napaka sakit. And i'll make sure she's gonna pay for this.
Nagpasya ako na makipag kita kay Anne sa isang bar. Hindi naman nya tinaggihan ang alok ko at dumating sya.
"Ryan..."
"Masaya kana ba na ikaw ang pinili ni Cyrus sakin?"
"Ano?"
"Pinapili ko sya dahil sobra na akong nasasaktan sa mga pinaggagawa nyo. Nagseselos ako, anne. Pero para sa kanya wala lang"
"Nasasaktan din naman si Cyrus"
"Really? Kasi nung pinapili ko sya ikaw ang pinili nya eh"
"Ryan, lasing kana"
"I'm not drunk, Anne. I know what i'm saying. Don't worry, i know gagaling din ang sugat sa puso ko. And i'm thankful dahil nagising ako sa reality"
"I'm sorry..."
"Salamat sa pananakit sakin, Anne. Now, i want to be alone"
At umalis si Anne at naiwan akong nag-iisa habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomansaAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...