CHAPTER ONE

8.2K 142 19
                                    

     CYRUS'S POV

 Ako nga pala si Cyrus Lee, First year college na ako ngayong pasukan. Bata pa lang ako hilig ko na ang mag drawing ng mga bahay kaya naman gusto ko abutin ang pangarap kong maging Architect. Mahilig din akong maglaro ng basketball gaya ng normal na lalaki. Pero, lingid sa kaalaman ng lahat na straight ako. Pero ang totoo, I'm a closet gay. At ayoko layuan ako ng pamilya ko kaya sikreto pa din ang pagkatao ko.

  "Hindi pwede!" sabi ni Papa. Taiwanse si Papa pero marunong syang magsalita ng tagalog. Kasali sya sa military kaya gusto nya din ako mag army. "Why do you have to choose that course instead of going to the military?"

"Honey, Let our son decide on what he wants. kung saan sya masaya doon sya" sagot ni mama

"Pero mas maganda kung nasa military sya."

"Ano namang magagawa mo kung hindi yun ang gusto ng anak mo? saka, maganda din naman ang pangarap ni Cyrus. Kaya susuportahan ko sya"

"H'wag kayong mag-alala, Papa" sabi ni Kuya Paulo. "Even though he didn't want to enter the military it's okay. I'm already entering the military" sabat ni Kuya Paulo. Criminology ang kurso na kinuha ni kuya kaya siguro paborito sya ni Papa. Wala naman sa'kin yun. Atleast, nasa kay mama ang suporta ko

"Oo nga, Papa. Saka magaling kaya mag-drawing si Kuya Cyrus" sabi ni Emily, bunsong kapatid ko na babae

"Tapusin nyo na ang pagkain nyo nang makapasok na kayo. First day of school kaya bawal ang mahuli sa klase" sabat ni Mama at kumain na kami

Pagkatapos namin kumain ng almusal, hinatid na kami ni Papa sa bago kong eskwelahan. Sobrang saya ko ng makita ko yun.

"Hindi ko na kayo ihahatid sa loob. Dito na lang ako"

"Salamat sa paghatid, Papa" sabi ko

"Paulo, ikaw na bahala kay Cyrus"

"Yes, Pa"

At naglakad na kami ni Kuya papasok sa loob ng eskwelahan namin. Tumingin-tingin lang ako sa paligid namin. Napapangiti ako sa mga lalaking nakikita ko. Ang gwapo nila. Nagulat na lang ako nang biglang may pumalo sa likuran ko

"Aahhh!" napasigaw ako sa sakit

"Mag focus ka nga, Cyrus. Basahin mo yang guide book na binigay sa'yo. Dyan mo malalaman ang mga locations ng mga classroom at iba pang lugar na meron dito sa loob ng campus"

"Ang istrikto mo masyado, kuya. Ganyan ba kayong mga miyembro ng military?"

"Kailangan may disiplina ka sa sarili mo. be attentive and focus"

"Fine. Para kang si Papa kung magsalita"

"Bakit ba kasi ayaw mo mag military?"

"Hindi yun ang pangarap ko. saka hindi enjoy doon"

"Baka naman kaya ayaw mo kasi bakla ka?"

"Bakla?" nauutal kong tanong. "H-Hindi ako bakla no!"

Natawa bigla si Kuya Paulo. Kahit kalian, ang lakas nya mang-asar!

"Oh sya, mauna na ako. May aasikasuhin pa kasi ako"

"Sige, salamat"

At umalis si kuya. Kaya naisipan ko na muna na umupo sa isang bakanteng bench at kinuha ko sa loob ng bag ko yung pocketbook ko at nagbasa muna. Maya-maya naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin pero dedma ako.

"Hi" sabi nung katabi ko. ramdam ko na babae sya kaya hindi ko nilingon. Busy ako sa pagbabasa kaya hindi ko sya pinansin. "Bago ka lang dito?"

Nilingon ko na rin sya. Hindi naman sya kagandahan pero simpleng babae lang sya. Sa tingin ko mas matangkad pa ako sa kanya

"Okey ka lang?" tanong nya ulit. Okey ako kung wala ka dito.

"Okey lang" sagot ko

"Bago ka lang dito?"

"Oo, ikaw?"

"Bago lang din. Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman masyado"

'Pero deep inside, Oo. Naistorbo mo ko. moment ko mapag-isa, te!'

"By the way, I'm Anne Sanchez..." pagkasabi nya no'n inabot nya yung kamay nya sa akin with smiling face pa ang bruha. Hmm

"Cyrus Lee" sagot ko kaya nakipag kamayan na din ako. Dama ko sa loob nya na kinikilig si ate. Napapangiti kasi sya

"Sige, una nako. Nice meeting you, Cyrus"

"Okay"

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon