CHAPTER THIRTY FIVE

1.4K 38 5
                                    


CYRUS'S POV

Hindi ko na ipinaalam sa parents ko yung nangyari. Pero sana maging maayos na rin ang lahat. Matutulog na sana ako ulit nang biglang tumunog yung cellphone ko. nang tignan ko kung sino yung tumatawag. Si Anne pala kaya sinagot ko na

"Hello..." sabi ko

"Cyrus, kamusta kana?"

"Eto, medyo okey na din. Salamat ha"

"Para saan?"

"Kasi pinagtanggol mo ko. nakakahiya"

"Wala yun no! saka magkaibigan tayo diba?"

"Pero alam mo kung ano mas nakapag pasaya sakin?"

"Ano?"

"Si Ryan" kinikilig kong sagot sa kanya. "Iba pala talaga ang pakiramdam kapag mahal mo"

"Ano namang nakaka kilig dun?" inis nyang tanong

"Kasi kapag kausap ko si Ryan nawawala yung takot ko"

"So, mahal mo talaga sya?"

"Oo"

"Tumawag ako para lang kamustahin ka at hindi para kamustahin yung dyowa mong malamya. Goodnight!"

At bigla nyang binaba ang tawag. Kaloka, anong problema nun? Kaya nag text ako sa kanya:

Me: problema mo??

I waited for her reply. Ilang sandali pa sumagot na sya:

Anne: wala. Matutulog na ko. nyt!

Dahil hindi ako convince sa reply nya kaya may naisip ako na kalokohan:

Me: Nagseselos ka no?? haha

Napangiti nalang ako at sigurado magre-reply yun ng napaka haba. Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko agad yun.

"Hello, Anne"

"Anong ibig mong sabihin sa text mo ha?!"

"Wala namang ibang ibig sabihin yun eh. Unless, totoo yun sa'yo"

"H-Hindi no! B-Bakit naman ako magseselos?"

"E, bakit nabubulol ka kung hindi totoo?"

"W-Walang meaning yun! Tse!"

"Bakit kasi hindi ka pa umamin na bet mo ko?"

"A-Ang kapal nito!"

"Weh, hindi ka na gwapuhan sakin?"

"Gwapo ka naman talaga kahit hindi mo itanong sakin"

"So, gwapo ako sa paningin mo?"

"Sobrang gwapo"

"E di umamin ka din"

"Na?"

"Crush mo ko. dama ko kasi eh"

"Tse, bahala ka hindi kita papansinin sa school bukas. Bye!"

She hung up. Hindi ko na napigilan ang hindi matawa. Pero sa totoo lang, mabait naman si Anne eh. And I'm happy everytime we're together. But it doesn't seems like the way how she feels for me. Alam ko, madami na din nagkagustong babae sakin. Pero bakla ako eh. Yun ang alam ko sa ngayon.

Kinabukasan...

Malapit na ako sa eskwelahan ng makita ko si Aki at Joey na tumatakbo palapit sa akin. Kaya medyo nagtaka ako sa dalawa

"Cyrus, may problema" nag-aalalang sabi ni Aki

"Anong problema?" tanong ko

Hindi sila agad nakasagot at nagtinginan ang dalawa na halatang may takot

"Anong problema?" tanong ko

"Kumalat ang picture mo" sagot ni Joey

"Anong picture?"

"Kasama si Ryan at magka holding hands kayo" sagot ni Aki

Mabilis akong naglakad papunta sa eskwelahan at napansin ko na nakatingin ang lahat sa akin. May nakita akong nagkukumpulan sa may bulletin board at lumapit ako at nagulat ako sa nakita ko. punong-puno ang board ng picture na kasama ko si Ryan. Sa inis ko pinagtatanggal ko lahat ng iyon at tinapon sa basurahan

"Sino namang tao ang gagawa nito sa'yo, sis?" tanong ni Aki

"Mukhang kilala ko na kung sino" sagot ko at nag walk-out ako at hahanapin ko si Dino. Gusto ko sya sapakin. At alam ko sya lang gagawa no'n sa akin. 

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon