ANNE'S POV
Imbis na masaya ako uuwi hindi natuloy. Pa'no dumating na naman yung asungot sa buhay namin ni Cyrus. Hindi naman dapat ako magkaka ganito eh. Naguguluhan pa naman ako. Dumaan ako sa pangalawang kanto ng lugar naming at bigla na lang akong hinarangan ng mga ito
"Hi, miss. Pwede ka ba makausap?" tanong nung isa. Sinubukan ko silang iwasan pero humarang na naman yung isa nilang kasama
"Teka, gusto ka lang naming makasama" pagkasabi nya no'n hinawakan nya ang braso ko
"Bitawan nyo ko!" sigaw ko
"Walang makakarinig sa'yo"
Nagulat na lang ako ng biglang may tumamang lata sa ulo nung lalaking may hawak sa akin at nabitawan nya ako at napalingon kami. Si Cyrus. Akma na sana akong tatakbo ngunit hinawakan nung isa yung braso ko
"Gusto mo kunin yung babaing 'to? Kunin mo sya sa amin"
"Cyrus, umalis kana!"
"Pasensya na. pero hindi ako papayag na may mangyaring hindi maganda sa'yo"
"Hulihin nyo sya!"
Sumugod yung dalawang lalaki sa kanya at sinipa nya sa tyan yung isa. At natumba ito. Yung isa naman nasuntok sya sa pisngi pero hindi nawalan ng malay si Cyrus. At gumanti din sya ng suntok at natumba yung kalaban nya. sumugod yung isa at naglabas ng patalim at sumugod sa kanya. Sinubukan syang saksakin nito ngunit napigilan nya at sinuntok nya ito at natumba
"Ikaw nalang natitira" sabi nya
Hindi sumagot yung lalaking may hawak sa akin at tumakbo paalis at agad kong nilapitan si Cyrus at tinignan ko yung sugat nya at nilagay ko yung mga kamay ko sa magkabilang pisngi nya
"Okey ka lang ba ha? Ano masakit sa'yo?" nag-aalala kong tanong
"Sa susunod kasi sumakay ka na lang pauwi" inis nyang sabi
"Sorry na. sumama ka sa bahay gamutin natin sugat mo"
"H'wag na. parang ito lang"
"Sige na, makinig ka naman sakin kahit ngayon lang"
Hindi sya kumibo. Pagdating namin sa bahay kinuha ko yung first aid kit at saka ko sinimulan gamutin yung sugat nya
"Aray, dahan-dahan naman" sabi nya
"Tiisin mo. puro ka reklamo"
"Ang shunga mo kasi minsan, Anne. Alam mong alanganin yung lugar dyan ka pa talaga dumaan"
"Shortcut kasi"
"Kung hindi pa ko sumunod malamang na rape kana"
"Ayiee, concern sya sakin" biro ko
"Tumigil ka nga. Seryoso ako. Pa'no kung na rape ka?"
"Grabe ka naman sa'kin"
"Totoo. Mag-ingat ka nga. Parang di ka babae"
"Oo na. thank you pa kahit ang sungit mo"
"Siguro naman karapatan ko malaman kung bakit ka nagkakaganyan"
"Cyrus..."
"Magkaibigan tayo diba?"
"Stress lang ako kaya siguro kanina tulala ako. Saka bakit di mo kasama si Ryan?"
"Hindi na importante yun. Basta next time mag ingat ka naman. Okay?"
"okay boss"
"Uuwi na ako baka masermunan pa ko ni Daddy"
"Hatid na kita sa labas"
Sinamahan ko si Cyrus lumabas ng bahay naming at sakto naman na dumating si Kuya Jerome at Dino at nagulat sila ng makita kami ni Cyrus
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Kuya
"Kuya, h'wag kang masyadong over acting. Pinagtanggol ako ni Cyrus laban dun sa mga manyakis sa kanto"
"Nasaktan ka ba, Anne?" tanong ni Dino
"I'm fine. Si Cyrus yung mas nasaktan sa aming dalawa"
"Naku, kung nandoon lang ako hindi mangyayari yan"
"Hay naku. Nagsalita ka na naman, Dino"
"Thank you for protecting my sister, Lee. I owe it to you" sabi ni kuya
"Don't mention it, Captain. Ginawa ko lang yung alam kong tama. Aalis na din po ako" sagot ni Cyrus
"Salamat ulit, Cyrus. Mag-iingat ka"
"Salamat, Anne"
At naglakad sya paalis. Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto ko at nahiga sa kama. Masaya ako ng gabing iyon. Hindi ko akalain na ipagtatanggol nya ako.
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...