CHAPTER FIFTY THREE

1.5K 54 6
                                    


CYRUS POV

Pagpasok ko pa lang sa room sinalubong agad ako ng mga beks

"Ano te, kamusta ang bakasyon nyo ng pamilya with girlfriend?" tanong ni Aki.

"Oo nga. Share mo naman sa amin" sabat ni Joey.

"Okey lang" sagot ko.

"Ano ba namang klaseng sagot yan, sister. Parang walang energy"

"Nag-away sila ni anne. Right?" tanong ni Aki sa akin. Pero hindi ako sumagot. "Sinasabi ko na nga ba! Bakit kayo nag-away, sis?"

"Alam nyo, wala ako sa mood, beks. Nag-iinit lang ulo ko kapag naalala ko"

"Sa baba o sa taas?" hirit ni Joey at natawa sila. Tinitigan ko sila ng masama at natahimik sila.

"Galing mo, sis. naisip mo yan" sabi ni Aki.

"Nagulat din ako, sis" natatawang sagot ni Joey.

Nang makita ko si Anne agad ko syang nilapitan at kinausap.

"Good morning" bati ko sa kanya.

"Anong maganda sa morning?" mataray nyang tanong, narinig ko naman na nagtawanan ang mga bakla sa narinig nila.

"Sorry na. h'wag kana magalit sa akin, Anne"

"I'm not mad at you, Cyrus. Kung tutuusin tama ka naman e. pinagpipilitan ko yung sarili ko sa'yo" pagkasabi nya no'n pinunasan nya ang luha sa mata nya. "Sorry, hindi ko maiwasang magkagusto sa'yo"

"Anne..."

"Kung iniisip mo na ititigil ko yung plano natin don't worry, hindi"

"Anne..."

Hindi nya ako pinansin at umupo na sya sa upuan nya. Galit pa din sya. Bumalik ako sa upuan ko katabi sina Aki at Joey.

"Anong nangyari, sis?" nag-aalalang tanong ni Aki.

"Nasasaktan ko na si Anne"

"na-inlove na yata sa'yo ang girl, te" sabat ni Joey.

"Anong plano mo?"

"May naisip ako pero kailangan ko ng tulong nyo"

Lunch break, nagmadali kami nila Aki at Joey na gawin yung plano namin. Buti pinayagan kami ni manong guard na lumabas ng eskwelahan. Pumunta agad akmi sa isang flower shop.

"Joey, maghanap ka ng magandang flower para kay Anne" utos ni Aki

"Ito na nga naghahanap na"

Hindi ko pinansin ang mga beki kaya naghanap ako. Hanggang sa makita ko yung mga roses sa isang lalagyan. Pero mas nangibabaw sa akin ang mga red roses na nandoon. Kumuha ako ng isa at pinag masdan koi to.

"Para po ba yan sa girlfriend nyo, sir?" tanong nung assistant sa shop.

"Opo" sagot ko.

"Maganda po ang red rose, sir. Sigurado ako matutuwa ang girlfriend nyo nyan"

"Sige po, ito na lang kukunin ko"

Lumapit si Aki at Joey sa akin dala ang mga rosas na napili nila.

"beks, ito oh, sunflower!" masayangs abi ni Joey

"Gaga!" sagot ko. "Hindi pwede yan. Di nya magugustuhan yan"

"Ito beks, Lily!" sagot ni Aki

"Naku, tigilan nyo nga ako baka mahampas ko lang yan sa inyo. Mas better yung napili ko"

"Rose?" tanong ni Joey at pinalo sya ni Aki ng libro sa ulo

"Nagtatanong ka pa nakikita mo na nga" sagot nya. "Gumamela yan!'

Dahil sa narinig ko hinampas ko sila ng dala kong paying

"Isa pang hirit nyo. Tara na babayaran ko na 'to at nang maibigay ko na kay Anne"

Pagkatapos naming bayaran agad kaming umalis ng shop at agad naming hinanap si Anne. Buti na lang nakita naming sina ian at benj.

"nakita nyo ba si Anne?" tanong ko sa kanila

"Nasa library. Para sa kanya ba yan?" tanong ni Benj

"Oo eh"

"Naks naman! Akalain mo yun, lalake ka pala, Cyrus" biro ni benj

"Tumigil ka nga benj!" sabat ni Ian. "Sige, puntahan mo na sya. Alam ko naman na matutuwa sya kapag nakita yan eh"

"Sige, salamat"

Wala na akong sinayang na oras agad akong pumunta sa library at kahit mapagod ako wala akong pakielam dahil gusto ko maging maayos kami ni Anne. Pagdating ko sa library nakita ko sya na nagbabasa ng libro sa isang table. Napangiti ako.

"Si Cyrus oh" bulong nung bababe

"Oo nga e. ang gwapo nya talaga. Sino kaya pagbibigyan nya?"

"Sana ako na lang girlfriend nya"

Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan ni Anne at napatingin sya sa akin.

"C-Cyrus..." agad anaman syang napatayo sa kinauupuan nya.

"Kumain muna tayo"

"Pero..."

"Para sa'yo nga pala" sabay abot nung rose sa kanya. Narinig naming yung mga tao na kinikilig lalo na yung mga babae.

"S-Salamat" sagot nya at hinawakan ko ang isang kamay nya.

"Let's go, my girlfriend"

At naglakad kami habang magkahawak ng kamay. Ewan ko ba, pero masaya ako ng oras na 'yon.

"Pinagtitinginan nila tayo" sabi nya.

"Wala akong pakielam. Mamatay sila sa inggit. Basta ako, masaya ako"

"Talaga?"

"Oo naman" sabay ngiti at napangiti na din sya.

Isa lang alam ko ngayon. Mahirap man aminin para sa isang beki na kagaya ko pero gusto ko kasama sya palagi at walang makakapigil sa akin.

Author: hey ya! Sana magustuhan nyo ang mga chapters... Wala pa ang climax nyan. Kaya better expect na mas magaganda pa ang mga mangyayari

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon