DINO'S POV
Katatapos lang ng klase namin at pupunta na ako ng gym ng makita ko si Anne saka si Cyrus na nag uusap at mukhang masaya sila kaya lumapit ako sa kanila
"Hi Anne" bati ko
"Hi, Dino" sagot ko
"Actually, may practice kami ngayon sa gym and gusto ko sana sabay na kami ni Cyrus pumunta"
"Sure. Punta nalang muna ako sa library. Magri-research na din ako. Una na ako. Bye" sabi ni anne sabay alis
"Ano yon?" inis na tanong ni Cyrus
"Anong ano yon, I'm not doing anything. Dapat alam mo yung responsibilidad mo bilang player"
"Hindi ko naman nakakalimutan. Ang akin lang bakit kaba nang iistorbo?"
"As i've said, you must know your priorities, Lee. The fact, ikaw ang inaasahan ng team"
"Hindi ko gusto yung ugali mo, Dino"
"I'm feeling the same way. Pero isa lang sasabihin ko sa'yo. Tigilan mo na si Anne. H'wag mo syang idamay kung may problema ka sa pagkatao mo. Sinasaktan mo lang ang sarili mo at pati sya masasaktan lang"
"Hindi mo na ba kaya nakikita mo?"
"Ano?"
"Gusto mo si Anne, right?"
"E ano naman ngayon sa'yo?"
"Ikaw ang gumawa ng paraan para mapalapit sya sakin. And do you think you've won? I don't think so. Dahil sa ngayon, ako ang tama at hindi ikaw"
Hinawakan ko yung damit nya at hinila ko palapit sa akin
"H'wag kang masyadong mayabang, Cyrus. Hindi mo pa ko kilala magalit. At lalong hindi mo alam na madami ka ng nasasaktan dahil sa ginagawa mo. Ito lang masasabi ko, kapag pinaiyak mo si Anne mayayari ka sakin!"
At tinulak ko sya at saka ako umalis. Pagdating ko sa gym nag practice agad ako ng shooting. Nakakapikon talaga 'yang Cyrus na yan!
"Dino, may problema ka ba?" Tanong ni Kuya Jerome
"I don't get you at all"
"Ano?"
"Bakit pumayag ka na maging boyfriend ni Anne si Cyrus, kuya?"
"Wala akong nakikitang mali"
"That guy is gay. And you don't even notice that"
"Dino, it was just one of your imaginations. Cyrus is not gay"
"You think i'm lying?"
"But you have no proof!"
"Hindi pa ba sapat yung mga pictures na pinost ko sa bulletin board para maliwanagan kayo na isa syang bakla?"
"Hayaan mo na kung ano sya. Besides, walang kinalaman yun sa team natin. He plays hard. And he's good for the team"
"Well, i'm not happy with it, kuya"
"Don't let those anger cover you, Dino"
At umalis si Kuya. Dumating na si Cyrus at nagsimula na kaming mag practice. Oo, tama sila. Magaling sya. At kuha nya ang tiwala ng lahat ng team members at coach. And i promise i will not stop here. I will do everything para mawala lahat yon.
After the practice nagpahinga muna ako nang biglang tumunog ang phone ko. Si Ryan. Kaya sinagot ko na.
"Hello..." sabi nya
"Bakit napatawag ka?" tanong ko
"Kailangan nating mag-usap. Kailangan natin ipaalam yung katotohanan"
"Sige"
"Magkita tayo sa park"
Nagpasya na rin ako na makipagkita sa kanya sa isang park. Since para kay Anne kaya ko gagawin yun.
"Ano bang dahilan at kailangan mo pa kong papuntahin dito?" sabi ko. Pagod pa ako tapos nakisabay pa sya. Nakakainis!
"Hindi pa ba tayo kikilos?"
"Wala pakong naiisip na paraan"
"Alam mo ba na nakilala na ng mga kapatid ni Cyrus si Anne?"
"Ano?"
"Nabalitaan ko yun. At may plano silang imbitahan si Anne sa wedding anniversary ng parents nya"
"Anong gagawin natin?"
"I have the perfect plan. Sa ngayon, kailangan lang natin silang obserbahan"
Napangiti ako sa sinabi ni Ryan. Kung tama ang iniisip ko malamang yun ang gawin nya. Ibang klase din naman. Pero kung mangyayari yun, makakaganti na din ako sa mga ginawa nya.
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...