ANNE'S POV
First time ko makitang galit na galit si Cyrus. Alam ko, mahirap para sa kanya ang nangyayari dahil nagsisimula na syang tuparin ang mga pangarap nya. At eto ako ngayon, gusto ko sya tulungan dahil kaibigan ko sya. Kaya wala akong choice kundi kausapin si Ryan kahit masakit sa akin. After ng class namin naisipan ko na sa rooftop na lang kami mag-usap ni Ryan tutal marami din akong gusto itanong sa kanya. Hindi nagtagal dumating na din sya
"Buti naman at dumating ka" sabi ko sa kanya
"Kung tungkol ito kay Cyrus willing ako makipag cooperate. And I'm also willing to hear your opinion about us"
"Opinyon ko tungkol sa relasyon nyo?"
"H'wag na tayong magpanggap na parang wala tayong alam sa nangyayari, Anne. Alam ko naman na gusto mo sya, diba? Hindi mo man aminin but I know somewhere deep in your heart you love him"
"Ryan, hindi ako nagpunta dito para makipag away sa'yo"
"You think this is a fight? Kung yun ang reason ko sana kanina pa kita sinabunutan"
"Siguro nga tama ka. Mahal ko si Cyrus. Pero hindi ito tungkol doon"
"Any idea kung paano natin matutulungan si Cyrus?"
"Meron akong naisip kaso hindi ko alam kung papayag ka"
"Ano naman yun?"
"Magpapanggap kaming nagmamahalan"
Hindi agad nakasagot si Ryan at halata sa mukha nya ang pagkagulat sa narinig
"That's the idea?"
"Oo"
"That's something I can't approve, Anne. That's unfair in my side"
"Pero walang ibang paraan, Ryan. Masisira ang reputasyon ni Cyrus"
"He can deny the issue. And I can do that. Hindi nyo na kailangan magpanggap na mag dyowa kayong dalawa"
"Sige, ipapilitan mo 'yang gusto mo mangyari. Ipagpalagay natin na pwede ang naisip mo. pero hindi yun ang naiisip ni Cyrus. Mas lalo lang sya pag-iispan ng masama ng iba. Lalo na ng mga kasama nya sa basketball team. Don't be selfish, Ryan"
"And you're taking advantage of it, right?"
"What?"
"You want this plan because you want him to be your boyfriend"
"Pwede ba, tigilan mo yung hinala mo. Ginagawa ko 'to para makatulong. Bakit ba hindi mo magawang maunawaan yun ha?"
"Anne!" boses ni Cyrus iyon at napatingin kami sa may pinto. Nakatayo sya doon at lumapit sa amin
"Do you know about this plan of your friend?" sabi ni Ryan
"Anong plano?"
"Gusto nya na magpanggap kayo na mag dyowa. Alam mo 'to?"
Tumingin muna si Cyrus sa akin bago sya sumagot
"Oo, alam ko" he answered
"What?!" gulat na tanong ni Ryan. "Papayag ka na maging kayo nitong babaing 'to? Oh come on, tell me this is not happening, Cyrus"
"Ryan, makinig ka muna. May point yung plano ni Anne. Mako-convince namin ang lahat kapag nangyari yun"
"Nag-iisip ka ba, Cyrus? Pa'no tayo?"
"Ryan, please..."
"She's taking advantage of you. Nang dahil lang gusto ka nya kaya gusto nya matuloy yung plano nay an and yet you didn't even notice at all? My God!"
"Hindi ganun yun, Ryan. Bakit ba ang hilig mong maghinala ng wala ka namang basehan?"
"Kasi gusto mo din yung plano ng babaing yan, diba?"
"You know what, this is pointless"
"Will you please stop defending this slut?"
"Ryan, tama na!"
"Aalis na ko..." mahina kong sagot at umalis ako ng rooftop. Sobrang nasasaktan ako sa sinabi ni Ryan sa akin. Hindi nya man lang naisip na may feelings din ako. Ganito ba talaga kapag nagmamahal?
(Ryan & Cyrus)
"Anong ginawa mo, Ryan?"
"Totoo naman eh. Malandi yung babaing yun. Hindi mo ba dama na gustong gusto ka nya?"
"Alam ko na gusto nya ko. umamin sya sakin"
"And yet, okey lang sa'yo lahat ng mga suggestions nya, kaya kung ano sinasabi nya sinusunod mo, tama?"
"Wala syang ibang ibig sabihin do'n. sige sabihin na natin na gusto nya ako pero kaibigan ko sya. At naiintindihan nya ako"
"At ako hindi? Siguro na brainwash kana ng malanding yun no?"
"Alam mo tigilan mo na yung salitang malandi. Nakakapikon kana"
"You're defending her"
"Hindi mo ko naiintindihan, Ryan. Siguro nga mas mabuti pa na mag cool-off muna tayo. Kasi hindi nakakatulong yung sinabi mo. hindi lang si anne ang nasaktan mo sa mga sinasabi mo. pati na din ako"
"Mas lalo mo lang pinatunayan sa akin na mas mahalaga sya kesa sa akin, Cyrus!"
"She's the only person who knows what I feel. She's a friend of mine. Mahal kita, Ryan. Pero hindi ko matitiis na sabihan mo yung taong nakakaunawa sa'kin. I have to go"
At agad na umalis si Cyrus para hanapin si Anne. Naiwan naman si Ryan na naiinis dahil sa nangyari...
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...