ANNE POV
Kinabukasan, Nang makarating ako sa room nakita ko si Cyrus na nakaupo sa upuan nya at malungkot. kaya nilapitan ko sya at balak ko din i-kuwento sa kanya ang nangyari kagabi. Lumapit ako sa upuan nya at tinabihan sya.
"Good Morning" masigla kong bati sa kanya pero hindi nya ako pinansin. "Huy, Cyrus. tignan mo naman ako oh"
Humarap sya sa akin at nagulat ako sa nakita ko. Umiiyak sya.
"Wala na talaga kami, Anne. Iniwan na nya ako" sagot nya. kaya wala akong nagawa kundi yakapin sya at hinayaan ko sya na iiyak ang lahat. Nang mahimasmasan sya saka sya nag kwento.
"Ano bang nangyari?"
"Tumawag sya sa akin tapos sabi nya ayaw na nya. Hindi na nya kaya na magtago sa shadow. Hindi daw ito yung realsyon na pangarap nya"
"Sorry..."
"Pero siguro, hindi lang talaga nya kaya. Kasi kung mahal nya ako, hindi sya susuko sa simpleng sitwasyon lang. Tama na din 'to"
"Cyrus..."
"Dito ka lang, please"
"Hindi ako aalis, promise"
Nang mag-umpisa ang klase, palagi ng malungkot si Cyrus. Hindi ko din maiwasan na sisihin ang sarili ko. Kaya nung lunch break, pinuntahan ko si Ryan sa gym at nandoon sya nakaupo sa bench. Kaya nilapitan ko sya.
"Bakit hindi mo sya kausapin?" tanong ko sa kanya at nakatingin lang sya sa akin
"Wala na akong sasabihin sa kanya. Nasabi ko na sa kanya lahat"
"Ganon na lang 'yon, Ryan? Minahal ka ni Cyrus"
Tumayo si Ryan mula sa kinauupuan nya. Ngayon, nakikita ko sa mukha nya ang inis.
"Anong gusto mo sabihin ko sa kanya? Na mahal ko pa din sya?"
"Yun naman talaga nararamdaman mo para sa kanya, diba?"
"Noon 'yon. Nung masaya pa kami. Pero nagbago lahat nung kailangan nyo magpanggap ni Cyrus na mag dyowa"
"So, ano. Isusuko mo na lang ang pagmamahal nyo ng dahil sa akin?"
"That's the point, Anne. I'm leaving him because of you. Now that you know my reason, iwanan mo na ako!"\
"Hindi ka nga talaga nararapat sa kanya. Dahil hindi mo sya kaya unawain!"
"So, ikaw alam mo nararamdaman ko? Dapat nga maging masaya ka kasi nakuha mo si Cyrus. Naging kayo instant just because he needs to hide himself from the closet. Patay na patay ka sa kanya dapat magsaya ka"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya. Tumulo na din ang luha sa mga mata ko.
"Ganyan ba ako kababa sa paningin nyo ni Cyrus, Ryan? Kung nasasaktan ka dahil kailangan magtago ni Cyrus mas nasasaktan ako dahil mahal ko sya pero ikaw ang mahal nya"
"Hindi na mahalaga si Cyrus sa akin, Anne. Ayoko ng kumplikadong relasyon"
"Then, hindi ko na hahayaan na iiyak sya ulit ng dahil sa'yo!"
"Anne!" sigaw 'yon ng isang lalaki kaya napalingon kami. Si Cyrus!
Lumapit sya sa amin at tinginan nya si Ryan.
"Bakit ka pumunta dito?" tanong nya sa akin.
"G-Gusto ko magkaayos kayo" sagot ko sa kanya.
"No one wants you do to it, Anne" sabay tingin kay Ryan. "Thank you for the memories, Ryan. Dahil sa ginawa mo mas na realize ko na hindi tayo para sa isa't-isa"
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko inaasahan 'yon. At umalis kami ng gym. Hindi ko alam kung saan nya ako balak dalhin pero humihigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Cyrus, nasasaktan ako sa hawak mo"
Huminto kami pagdating sa may field at tinginan nya ako ng masama.
"Bakit kailangan mong gawin yung bagay na 'yon? Ayaw na nga nya diba?" mataas na tono nyang tanong sa akin
"Gusto ko lang magkaayos kayo!'
"Hindi na maayos at ayoko na ayusin"
"Ano?"
"Alam kong hindi na maayos dahil nas aplano ko na din makipag hiwalay sa kanya. Alam mo ba na gumaan yung pakiramdam ko ng dahil doon?"
"Cyrus..."
Hinawakan nya ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.
"You confuse my feelings, Anne. Kasalanan mo 'tong babae ka. Kaya pwede ba, H'wag kana lalapit uli kay Ryan. Ayoko na lumalapit ka sa iba..."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapit sya sa akin at inilapit nya ang mukha nya sa akin at hinalikan nya ako sa pisngi.
"Cyrus..."
"Asyumera ka hanggang ngayon, akala mo talaga hahalikan kita sa labi mo. Eeew!"
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Ang hina talaga ng kokote mo! Ilang beses na ba kita nahalikan ha?"
Oo nga pala! Madaming beses na. hinawakan nya uli kamay ko at tinginan ako at ngumiti.
"So, liligawan na talaga kita?"
"T-Teka, ang bilis mo naman mag move on!"
"Ayaw mo?"
"G-Gusto"
"Ang arte mo, hindi ka naman maganda"
"Tse!"
Agad akong naglakad palayo sa kanya.
"Hintayin mo ko, Chaka!"
"Bahala ka sa buhay mo, pervert!"
At tumakbo ako para hindi nya ako mahabol. Napangiti ako sa saya.
Author: Sweet! Hmm, Book 2 ba???
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...