The next day...
Practice namin sa hapon sa basketball. Kaya kahit pagod sa pag-aaral. Uma-attend pa din ako sa practice. Gusto ko patunayan na kahit beki ako. Marunong ako maglaro ng basketball. And at the same time maging proud si daddy sa akin.
"Lee!" sigaw ni Kuya Jerome
"Yes, captain?" tanong ko
"Bakit ngayon ka lang?"
"Sorry, captain. Traffic"
"Pasalamat ka wala pa ang coach. Next time, iwasan mo na mahuli sa practice"
"Yes, captain"
At umalis si Kuya Jerome. Nilapag ko yung gamit ko sa bench at naramdaman ko na may lumapit kaya napalingon ako. Si Dino pala.
"Dino, ikaw pala"
Nagulat na lang ako nang bigla nya akong kotongan sa ulo ko. masakit yon!
"Para saan naman yon, ha?!" inis kong sabi sa kanya
"Una, para yan sa pagiging late mo. hindi porke kasali ka sa second string ganyan kana. Pangalawa, para yan sa ginawa mong pagpapaiyak kay Anne kagabi"
"Umiyak si Anne?"
"Oo. Hindi nya sinabi kung bakit pero ramdam ko na ikaw ang dahilan"
"Bakit naman ako?"
"Hindi ko din alam. Pero sa susunod na makikita ko na umiiyak si Anne nang dahil sa'yo hindi lang yan aabutin mo, okey?"
"Mahalaga ba si Anne sa'yo?"
"Sobra. Kaya, h'wag mo sya sasaktan"
At umalis si Dino. Hindi ko maintindihan kung bakit nya sinabi sa akin iyon pero naging palaisipan. Nagsimula na kaming mag practice at maya-maya dumating si Anne at may dalang inumin. Nang mag breaktime, lumapit ako sa kanya
"Anne, galit ka ba sa akin?"
"Sorry kagabi. Pasensya kana sa akin, Cyrus"
"Ako ang dapat humingi ng sorry. Sana mapatawad mo ako"
"Ayiiee, may bagong lovers oh!" sabat nung isang player
"Oo nga no, bagay sila. Captain, nililigawan ni Lee yung kapatid mo" sabat naman nung isa
"Ano?" tanong ni Kuya Jerome at lumapit sa amin. "Totoo ba iyon, Lee?"
"Ah, nagkakamali ka, Captain..."
"Kuya, hindi totoo iyon. Relax ka lang" sabat ni Anne
"Sigurado ka, Anne?"
"O-Oo, kuya"
"Hoy Lee, siguraduhin mo lang. I'll be watching you"
Sabay walk-out. Kaya hinila ko yung kamay ni Anne palabas ng court para doon makapag-usap
"Uy sis, galit ka?"
"Ang kulit mo, hindi nga ako galit. Saka moody lang ako"
"Promise?"
"Promise"
Hindi ko din alam kung ano ang sumapi sa akin at niyakap ko sya. Oo, walang masama pero hindi ko ugali iyon eh.
"Cyrus!" boses ni Ryan iyon, nagulat na lang ako ng tinulak ako ni Anne
"Nandyan na yung boyfriend mo!" inis nyang sabi
"Hindi ko nga sya boyfriend"
"Oh ayan, tubig mo!"
At binigay nya sa akin yung tubig sabay alis
"Anne!" sigaw ko
"She's unbelievable" sagot ni Ryan. "Iniiwasan nya ako"
"Hayaan mo na. bakit ka nandito?"
"Gusto ko lang bisitahin yung future boyfriend ko"
Sabay hawak sa kamay ko. pero inalis ko din agad iyon
"Ryan, mamaya may makakita sa atin dito"
"Sorry"
"Thank you sa pagbisita"
"So, sabay tayo umuwi?"
"Sure"
At hinalikan nya ako sa pisngi ko
"See you"
At agad ding umalis si Ryan. Hindi pa din ako makapaniwala sa naramdaman ko. hinalikan nya ako sa pisngi?
Gusto ko magtata-talon ng sandaling iyon. Pero hindi pwede!
"Lee, ano ba, ang tagal mo" sabi ni Dino
"Eto na"
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...