CHAPTER FORTY ONE

1.4K 44 7
                                    


DINO'S POV

Nagpunta ako sa gym pagkatapos ng klase, Hindi nagtagumpay yung plano ko na makalat ang totoong pagkatao ni Cyrus. Nakakainis! Ngayon, naging sila na ni Anne

"Dino..." boses lalaki yun kaya napalingon ako

"Sino ka?"

"Ako si Ryan"

"Oh, I remember you"

"Tama. Ako yung kasama ni Cyrus sa picture. And I was happen to be his partner"

"I know. What brings you here, Wala si Cyrus dito"

"I'm not looking for him. I'm looking for you"

"Bakit ako?"

"Alam ko na may gusto ka kay Anne"

"E ano naman kung gano'n?"

"Naniniwala ka ba talaga na magka relasyon sila?"

"Syempre, hindi. Alam ko yung totoo. Pero bakit ka pumayag?"

"Kasi mahal ko si Cyrus"

"Mahal mo sya and yet you allowed him to have a fake relationship with my friend"

"Hahayaan ko na saktan mo si Cyrus. I want you to break them"

"How?"

"I want him to be out of his closet. Alam ko, masasaktan ko sya pero kailangan nya magpaka totoo"

"How pathetic"

At umalis si Ryan. Hindi ko alam kung ano pina-plano nya pero kung ano man yon sya na bahala.

Nang breaktime, pumunta ako sa room nila Anne para yayain sya kumain. Nagkataon naman na wala si Cyrus kaya lumapit ako

"Hi" I greeted

"Oh, ikaw pala, Dino. Ano ginagawa mo dito?"

"Yayain sana kita kumain sa canteen since breaktime naman"

"Actually..."

Napatingin si Anne sa may pintuan kaya napatingin na din ako. Si Cyrus pala yun at may dala syang pagkain nila ni Anne. At lumapit sya sa amin.

"Ang lakas naman ng loob mong magpakita pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa'kin, Dino"

"Teka lang, hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito. Kundi si Anne"

"Guys, ano ba" saway ni Anne

"Hindi ko alam kung anong pakulo na naman ang pumasok sa isip mo at dinamay mo na naman si Anne. Pero isa lang masasabi ko, kahit gawin mo yan hati na ang pananaw ng tao sa'yo"

"Talaga ba?"

"Dino, hayaan mo na si Cyrus"

"Hindi ko alam kung ano problema mo sa'kin, Dino. Pero isa lang din sasabihin ko sa;'yo, hindi ako magpapatalo"

"I know. Everything is a lie. Even that so called relationship"

"Dino please, umalis kana"

Hindi na ako nagsalita kaya umalis na lang ako. Hindi na tama ang ginagawa ni Anne. Bakit ba sya nagpapatanga ng ganito kay Cyrus. Kailangan may gawin ako.

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon