ANNE'S POV
Hinatid ako ni Cyrus sa bahay. Nagktaon din na nakita namin si Papa na nagpipintura ng bahay kasama si Kuya Jerome
"Anong meron?"
"Ah, inaayos lang namin yung bahay. Obvious ba?" sagot ni Kuya
"Oh, h'wag na kayo mag-away. Nandito pala si Cyrus"
"Hello po" sagot ni Cyrus
"Bakit nandito ka?" tanong ni Kuya
"Kuya, pwede ba!"
"Nagtatanong lang naman ako"
"Cyrus, gusto mo ng cookies?" tanong ni Mama
"Salamat po" sagot nya at kumuha sya ng cookies sa tray
"Anak, magbihis ka muna ng damit" sabi ni Mama
"Opo"
At iniwan ko sila at nagpunta ako samkwarto ko at agad na nagpalit ng damit. Nang biglag tumunog ang cellphone ko. at inuha ko yun at sinagot ang tawag
"Hello..."
"Saan ka, girl?" tanong ni Melisa
"Sa bahay"
"Wala lang"
"Pasensya na hindi ako pwede umalis ngayon ng bahay. May bisita ako e"
"Sino naman?"
"Si Cyrus"
"Si Cyrus?!" gulat nyang tanong
"Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Iba na yan ha"
"Wala ah. Hinatid nya lang ako"
"Ang gentleman naman pala ni Cyrus"
"Pero walang ibang ibig sabihin yun"
"Okay. oh sya napatawag lang ako para kamustahin ka"
"Sige, bye"
And she hung up. Lumabas ako ng kwarto matapos kong magbihis. Nagulat nalan ng ako ng makita ko si Cyrus na tumutulong sa pagpipintura ng bahay namin
"Teka, anong ginagawa mo?"
"Naku, tumulong na ako. Mukha kasing kailangan nila ng tulong eh"
"Sus, nagpapalakas ka lang kay kuya"
"Syempre te, mamaya mahalata ng kuya mo na beki ako e"
At natawa ako
"Dahil lang dun kaya gusto mo tumulong?"
"Oo, kasi next week isasabak na ako sa isang practice game"
"Talaga?"
"Lee!" sabi ni Kuya mula sa likod
"Yes, Kuya?"
"I wish you luck"
"Thanks"
"And since close kana sa family namin, h'wag kang gagawa ng kalokohan, ok?"
"Opo"
At umalis si Kuya at naiwan kaming dalawa. Nagpatuloy sa pagpipintura at pinagmamasdan ko sya. Ang gwapo nya talaga. Pa'no kaya sya? Natatakot ako baka saktan lang sya ng lalaki. nagulat nalang ako nang may nagpahid ng pintura sa ilong ko
"Hoy!" sigaw nya
"Cyrus naman e!"
At natawa sya
"Ang serious mo naman kasi dyan, girl. Ano ba iniisip mo?"
"Wala"
"Sige, di ka magku-kwento, lalagyan pa kita ng pintura"
"Wala nga"
"Sus, nagseselos ka lang sa kuya mo kasi pinapansin ako"
"Papansinin ka nya kasi try-out mo"
"Pa'no kung ligawan ako ng kuya mo?"
Nagtinginan kami at sabay na natawa
"Baka patulan ka no'n"
"Oh ayan, ngumiti kana din. Ang serious mo eh. Be happy"
"Masaya naman ako"
"It's not what I am seeing right now. Halika tulungan mo na lang ako"
At hinawakan nya kamay ko. bigla akong nakaramdam ng kuryente sa katawan at bumitiw ako, nagulat din sya sa reaksyon ko
"Anyare?"
"W-Wala"
"Okey ka lang?"
"Oo. Tara"
Kumuha ako ng brush at nagpintura na din. Sa totoo lang, mas lalo akong nagkakagusto sa kanya dahil dito
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...