Anne's POV
Pumasok ako sa loob ng room at agad na umupo sa upuan. Napansin yun ng friend kong si Hazel at Melisa.
"Anong nangyare, sis?" tanong ni Hazel
"Ah wala"
"Hmm, inaway ka na naman ng boyfriend ni Cyrus no?" Tanong ni Melisa. "Naku sis, iwasan mo na"
"Hindi naman kasi yun ang reason".
"E ano?"
Bago pa man ako makasagot lumapit si Cyrus sa amin.
"Liligawan ko na kasi sya kaya ang loka kilig na kilig" sabi nito at napangiti yung dalawang kaibigan ko
"Sabi na eh, dun din ang kahahantungan nyan" sabi ni Hazel
Hindi na ako sumagot kaya nung lunch break hinanap ko si Cyrus. Hinanap ko sya sa gym at sakto naman na nandoon ang kuya ko at si Dino.
"Kuya, nakita mo ba si Cyrus?" tanong ko sa kanya
"Hindi e. Pakisabi sa kanya may practice kami bukas ng hapon after class"
"Pwede mo naman sya kontakin bakit sakin mo pa sinasabi?"
"Boyfriend mo sya, diba? Natural sayo ko sasabihin"
"Bakit parang naiinis ka?"
"Hmp! Wala. Sige na alis na"
"Suplado"
At tumalikod ako sa kanya
"Anne!" tawag sa akin ni Dino at napalingon ako sa kanya
"Oh bakit, dino?"
"Are you sure that he won't hurt you?"
"Yes"
"Okay. Wala na ako magagawa"
"Salamat"
At umalis na ako. Habang naglalakad ako biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ito agad.
"Hello, Cyrus. Nasaan ka ba?"
"Hulaan mo"
"Sira ulo ka talaga madami akong itatanong sayo"
"Naatat ka na siguro na maligawan kita no?"
"E-Ewan ko sayo! Bababaan kita"
"Subukan mo. Baka ito na yung huli beses na makakausap mo ko"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Bye, Anne"
And he hung up. Nag-alala ako kaya naisipan kong pumunta ng rooftop. Ganun naman ang mga nagsu-suicide diba?
Pagdating ko sa rooftop nakita ko syang nakatayo agad ko syang niyakap sa likuran ng mahigpit
"Wag kang magpapakamatay, please" sabi ko sa kanya. "Marami kaming nagmamahal sayo"
"Ano?"
"Nandito ako. Hindi kita iiwan"
"Bakit?"
"Kasi...mahal kita"
Ilang sandali pa, narinig ko syang tumatawa kaya kumawala ako sa kanya
"Anong nakakatawa?"
"E kasi naman, patay na patay ka sakin. Ano bang meron sakin e bakla naman ako"
"Tse! Alis na ko"
Paalis na ko ng bigla nya akong hilain sa braso at niyakap nya ako
"Nakakahiyang aminin pero kailangan kita"
"Cyrus, pano yung sikreto mo?"
"Wag mo muna isipin yun. Sigurado naman ako na maiintindihan din nila"
Biglang bumukas yung pintuan at dumating ang mga kaibigan namin
"Kayo na ba?" tanong ni Benj
"Oo nga baka naman hindi" sabat ni Ian
"Hindi kami" sagot nya. "Pero masaya ako sa kanya"
This is our story before we got married. Pero hindi pa ito natatapos. Hanggang kelan ko kayang ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa?
Abangan...
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...