ANNE'S POV
Wala naman din sa plano ko ang matulog kasama sya. Pero hindi ako makatulog kaya kinausap ko sya
"Hoy, bakla"
"Bakit?"
"Kung nape-pressure ka sa parents mo pwede ba wag mo nako idamay"
"Akala ko ba okey lang sayo na nandito tayo sa iisang kwarto?"
"Wala naman kasing issue"
"Oh wala naman pala eh. E di matulog kana. Saka you voluntarily approved my demand so, kung mas magkakagusto ka sakin hindi ko problema"
"Assuming"
"Ako o ikaw?"
"I don't like you anyway"
Natawa sya at tumingin sakin
"Kung hindi ka affected bakit ganyan reaksyon mo ngayon?"
"Hindi kasi tama"
"You're the one who wants them to convince that we are real lovers, Anne"
"Matulog kana. Goodnight!"
At tumalikod ako sa kanya at hindi jo na sya tinignan. Well, may mali din naman ako kasi ako din pumilit. Kaya whether i like it or not, i will do this because of him.
Kinabukasan...
Nagising na lang ako sa tunog ng alarm sa phone ko. Kaya si Cyrus aad hinanap ko kaso wala naman sya sa tabi ko. Naghilamos muna ako sa banyo bago ako lumabaw ng kwarto at nakita ko ang buong pamilya nya na kumakain ng almusal
"Good morning, Ate Anne!" Masiglang bati ni Emily sakin
"Good morning, Anne. Kamusta tukog mo kagabi maayos ba?" tanong ni Kuya Paulo
"Pwede ba tigilan nyo nga si Anne. Dami nyong tanong" sagot ni Cyrus na naiinis at tumingin sa akin. "Mag breakfast ka na dito"
"Cyrus, bakit ganyan ka makitungo sa girlfriend mo, ano na namang problema mo?" tanong ng daddy nya sa kanya
"Baka naman..." sabat ni Kuya Paulo kaya nahihiya tuloy ako
"Walang nangyaring ganon. And it will never happen" sagot ni Cyrus. Parang may nagbago sa kanya that night.
After namin mag breakfast, nagpasya akong humiga sa vacant room. Nag e-enjoy ang parents at ibang kapatid ni Cyrus maligo sa pool. Nang pumasok si Cyrus sa loob ng room kaya nagulat ako.
"Hoy, bakit?" tanong ko
"I just want you to know that i'm happy that you come with us"
"Ayos lang yun. Walang problema"
"Can we stay like this forever, Anne?"
"Ano?"
Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko at parang namula ang buong mukha ko sa ginawa nya. Kinikilig ako pero ayoko ipahalata sa kanya kasi aasarin lang nya ko.
"Ipagpapatuloy natin ang pagpapanggap, Anne. Hanggang sa nakaya ko na aminin sa kanila na isa akong bading"
"Okay. Wala naman akong magagawa kundi tulungan ka baka sabihin mo wala akong kwenta"
"Thank you"
"Welcome"
"Lumabas na tayo mamaya kung ano isipin ng parents ko. Eeeww!"
"Baliw. As if naman na papayag ako"
'As if din na may plano akom kadiri ka"
Natawa nalang ako at lumabas kami ng room at naki join sa family nya. Masaya naman ako. Pero alam ko, madami pa akong pagdadaanan. Kaya kailangan maging matapang ako.
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...