CHAPTER FORTY

1.4K 42 3
                                    


CYRUS'S POV

Pagpasok ko sa eskwelahan nakita ko sila Hazel, Melisa at Anne sa may garden. Nag-uusap sila kaya lumapit na ako. Kaso biglang umalis yung dalawa kaya kami na lang ni Anne ang naiwan. Umupo ako sa tabi nya.

"Anong meron at nandito kayong tatlo?"

"W-Wala"

"Bakit parang namumula ka?"

"A-Ako?! Hindi no!"

"Syanga pala, may ibibigay ako sa'yo"

Binuksan ko yung bag ko at kinuha ko yung paborito nyang chocolate cupcake at inabot yon sa kanya

"Oh"

"Ano yan?"

"Cupcake, malamang"

"I mean para sakin?"

"Hindi, akin yata!"

Natawa sya at bigla akong kinurot sa pisngi

"Arayy!!" sigaw ko at saka nya inalis ang kamay nya sa pisngi ko. "Ang harot mo talagang babae ka!"

"Ang cute mo kasi kapag naiinis ka"

"Ano, nai-inlab ka na naman sakin"

"Sus, wala kang ebidensya"

"Ah kaya ka pala namumula, impokrita!"

"Bakla ka nga talaga"

"Since birth, te"

"Pero salamat dito sa cupcake ha, alam mo na kung ano favorite flavor ko" sabay ngiti sa akin. Napangiti na din ako.

"Mababaw kasi kaligayahan mo"

"Baka magselos sakin yung dyowa mo"

"Ano?"

"Pinagseselosan ako ni Ryan, diba?"

"H'wag mo intindihin si Ryan. Ako nga, hindi ko na lang sya pinapansin"

"Pero mahal mo sya, diba?"

"Yun ang alam ko sa ngayon, Anne. Mahal ko si Ryan"

"Dama ko naman na mahal mo sya eh"

"Teka nga, pwede ba h'wag na lang natin pag-usapan si Ryan. Ikaw lang yung nasasaktan eh. Saka, boyfriend mo ko dito kaya hindi nila alam na beki ako"

Biglang tumunog yung bell at tumayo ako at inabot ko yung kamay ko sa kanya

"Tara na, kailangan na natin pumasok"

Inabot nya yung kamay nya at naglakad kami papunta sa room. Expected na yung iba nakatingin sa amin at nakasalubong naming si Ryan. Ayon, hindi nya ko pinansin pero parte lang naman yun ng plano. Pagdating sa room doon lang kami bumitaw at pumuwesto na sa mga upuan

"Sweet nyo" sabi ni Aki

"Oo nga nakaka inggit" sabat ni Joey

"Yun ba yung tingin nyo, sweet kami?"

"Oo, sis. Hindi lang kami pati mga classmate natin"

"Sana totoohanin nyo nalang ni Anne"

Hindi na ako sumagot at napatingin ako kay Anne. Masaya syang nakikipag usap sa mga kaibigan nya. hindi ko din alam kung posible ba mangyari yun. Pero ang alam ko, masaya ako pag kasama ko sya. Yun lang.

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon