CHAPTER NINE

1.9K 58 5
                                    

CYRUS'S POV

To be honest, ngayon lang ulit ako hahawak ng bola. Simula kasi nang malaman ng mga kakampi ko no'ng high school na bading ako iniwasan nila ako. Ang tingin nila sa akin ay parang isang malubhang sakit na kailangan iwasan. Pero gusto ko talaga ang maglaro ng basketball. Ito ang sports na gusto ko. At gusto ko lang sabihin sa lahat na hindi porket bakla ay hindi na pwede maglaro ng sports o sumali sa mga larong gusto nila.

Gwapo sana yung kuya ni Anne kaso mukhang istrikto at lalaki talaga sya. Kabado pero alam kong makakaya ko. wala namang deal pero gusto ko sya matalo. At kailangan kong gawin yun. Akma na sana akong tatayo ng biglang hinawakan ni Anne ang kamay ko. ewan ko ba pero parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko at na bitawan ko sya

"Ano ba yun, sister?" mahina kong tanong

"I wish you all the best" nakangiti nyang sagot. Napatitig tuloy ako sa kanya pero umiwas ako at naglakad palapit sa free throw line

"Ito ang magiging rules na laban, kung sino man sa atin ang may maraming points na matanggap sya ang panalo. Well, kapag ako ang nanalo hindi kita tatanggapin sa team"

"Pero kapag ako ang nanalo isasali mo ko sa team at ibibogay mo ang nararapat sa akin"

"We have a deal, Cyrus"

"Okay"

"I'll go first"

Umupo ulit ako at ang time ay two minutes lang. hindi na rin masama. Ang kailangan ko lang ma-perfect ko ang shooting ko. narinig ako ang whistle at hudyat na kailangan na mag shoot. First row, lahat na shoot. Second row, may tatlong mintis. Third row at fourth row may dalawang shoot. Pang fifth row lahat na shoot. Sa kabuuan may fifty one points si Kuya Jerome. May gosh! Nanginginig ang kamay ng bakla!

"Fifty one points for Jerome" sabi ni Dino. "Cyrus, ikaw na"

"Okay"

Pumuwesto na ako. Focus. I need to focus. Nang mag whistle agad akong kumuha ng bola at nag focus ako sa ring. First row, nakumpleto ko. Second row, nakumpleto ko. third row, complete. Fourth row, complete. Fifth row, huling bola na ang nasa kamay ko. at saka ko ipinasok sa loob ng ring. Kahit ako natulala ako sa nnagyari

"Amazing" sabi ni Anne

"Cyrus, you have seventy two points" sabi ni Dino

Seventy-two points? Nagawa ko!

"Cyrus!" boses ni Anne 'yon at nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap

"Sister, nakayakap kana sa akin" bulong ko sa kanya.

At kumalas sya sa pagkakayakap sa'kin

"C-Congrat's" sabi nya

"Thanks"

Lumapit si Kuya Jerome at si Dino sa amin

"Well, this is the first time that I lost into a game. Congratulations, Cyrus. You're amazing" sabi ni Kuya Jerome at nag shake hands kami

"Nice one. Welcome sa team, Cyrus!" sabi ni Dino

"Hindi ko po matatanggap yun" sagot ko

"Bakit naman?"

"Gusto ko pa ring mag training kung kailangan"

"Sige, sa Friday kana ulit bumalik. Kakausapin ko ang management"

"Salamat, captain"

"Anne, pwede ba kita makausap?"

"Sige, kuya"

At umalis si Kuya Jerome at Anne

"Cyrus, pwede ba ko magtanong?"

"Ano yun, Dino?"

"Nililigawan mo ba si Anne?"

"Hindi. We're just friends"

"Sigurado ka?"

"Oo. Bakit?"

clN

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon