ANNE'S POV
Madaming ginawa kahapon at halos wala na din akong time para sa sarili ko. Kaya tanghali na ako nagising. Una kong tinignan yung cellphone ko. At nagulat ako sa nakita ko:
15 missed calls
10 text messages
At lahat yun galing kay Cyrus!
Naku mukhang magagalit si bakla. Ilang sandali pa tumawag na sya at sinagot ko na.
"Hello..." sabi ko
"Kanina pako tumatawag wala kang balak sumagot?!" Bulyaw nya
"Sorry. Kakagising ko lang kasi. Ano bang kailangan mo?"
"May lakad tayo"
"Saan?"
"Gusto ka makilala ng parents ko"
Hindi agad ako nakasagot at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig ng oras na yon. Gusto ako makilala ng parents nya? Is this for real?
Gumising ka, Anne. Syempre kunwari girlfriend ka nya kaya ipapakilala ka. Diba sabi mo hindi kana mafa-fall sa kanya? Gawin mo!
"Oy babae, buhay ka pa?"
"May sinasabi ka ba?"
"Kapag wala kapa sa school ng mga 11:30 yari ka sakin!!"
Sabay baba ng cellphone. Ano bang problema ng baklang yun. Napatingin ako sa wall clock. Shit! 11:20 na! Mayayari talaga ako!
Bumangon na ako agad at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nang matapos pumili agad ako ng magandang damit ko. Nag ayos na din ako. Nang matapos ako lumabas ako ng kwarto.
"Oh, saan punta mo at parang bihis ka?" nagtatakang tanong ni mama
"Oo nga. Saan ka pupunta ng ganitong araw eh, wala naman kayong klase?" tanong ni Kuya Jerome
"Oo nga. Sumagot kang bata ka" sabat ni papa
"May importante po akong lakad. Saka ko nalang po ipapaliwanag pag-uwi ko. Sige po, bye!"
At agad ako umalis. Paglabas ko ng bahay pumara agad ako ng tricycle at agad na sumakay. Pagdating ko sa labas ng school imbis na matuwa ako na akala ko nandyan na sya nadismaya ako.
Bwisit na bakla yun! Akala ko mauuna sya sakin. Ako pa nauna.
Ilang sandali may humintong kotse sa harapan ko at bumaba mula doon si Cyrus
"Sakay na" sabi nya
"O-Oo"
Sa may likod kami ng driver nakaupo. Pero magkahiwalay kami. Napansin ko na pigil syang natatawa.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko
"Ngayon lang kasi kita nakitang nagmukang tao" sagot nya
"Nang-aasar kaba?"
"Asar ba yun? Compliment yon, Anne. Buti nga napansin kita eh"
"Ay, compliment pala yun sayo. Hmp!"
Pero nakangiti sya. Sabay iwas ng tingin. Napangiti na din ako pero hindi ko pinakita sa kanya. Kinikilig ako!
Maya- maya huminto na yung kotse at bumaba na kaming dalawa. Nilapitan nya ako.
"May driver pala kayo" sabi ko.
"Gaga, wala kaming kotse. Nag grab lang ako"
Hindi na namin napigilan ang matawa at pinalo ko sya sa braso nya
"Aray! Pag sinapak kita"
"Di mo kaya"
"Sampolan kita gusto mo?"
"Girlfriend mo ko dito baka nakakalimutan mo. Sige ka"
Bigla nyang hinawakan yung kamay ko at bigla akong nakaramdam ng init sa mukha ko. Pero kelangan magpigil.
"Mag behave ka ha. Makikilala mo parents ko"
"O-Oo"
At pinindot nya yung doorbell nila. Ilang sandali pa binuksan na yung gate.
"Oh! Ikaw pala, Anne" bungad ni Kuya Paulo at nagulat ako ng niyakap ako.
"Oy, tama na. Girlfriend ko kaya yan" sabat ni Cyrus
"Ang oa mo. Akala mo naman aagawan kita ng girlfriend. Pumasok na kayo hinihintay na kayo ni Mommy at Daddy"
At iniwan kami ni Kuya Paulo. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Cyrus at napatingin sya sa akin
"Ano problema?"
"Kinakabahan ako eh"
''Hindi lang naman ikaw eh. Kahit ako. Saka first time ko magdala ng babae dito kaya mas kabado ako. Pero h'wag kang mag-alala kasama mo naman ako eh"
Noong oras na yun parang ibang Cyrus yung kasama ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Pero sa totoo lang kinakabahan ako...
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
Roman d'amourAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...