CHAPTER EIGHT

1.9K 64 13
                                    

          Pumasok na kami ni Cyrus sa loob ng court at nakita na namin si Kuya at nag o-observe sya ng mga players. Magaling mag observe si kuya ng mga players nya. At magaling din syang team captain. Kaya walang nagko-compain sa mga laro nya. alam kong hindi magiging madali kay Cyrus ang labanan si kuya pero alam ko kaya nya

"Hi Anne!" bati ni Dino

"Hello, Dino" sagot ko. At napansin nya si Cyrus

"Teka, sino sya, boyfriend mo?"

"H-Hindi ko sya boyfriend"

"Ah akala ko boyfriend mo"

"Sya nga pala si Cyrus. At balak nya sana sumali sa team"

"Tamang-tama madami na ang may nais sumali sa team. Pero kailangan masubukan ang kakayahan nya"

"Gano'n ba?"

"Sandali lang, tawagin ko lang kuya mo"

"Sige"

At umalis si Dino at napatingin ako kay Cyrus

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya

"Parang hindi ko kaya" sagot nya

"Hindi mo pa nga nasusubukan eh"

"Tignan mo naman. kung makatingin sila parang kakainin ako"

"Hayaan mo sila. Kailangan mo ipakita sa kanila na kaya mo"

"Salamat sa suporta, sis"

"Anong sis?" nagulat kami ng makita namin si Kuya

"Kuya..."

"Ako nga. Sino ba 'yang kasama mo?"

Humarap si Cyrus sa kanya at buong lakas na inilahad ang kamay nya kay Kuya

"Good Morning, sir. Ako nga po pala si Cyrus Lee, freshmen student"

"Hindi ako nakikipag kamay sa baguhan"

At ibinaba ni Cyrus ang kamay nya

"Ako si Jerome, and I will be your team captain if ever you get passed. Naglaro ka na ba ng basketball dati?"

"Y-Yes, captain. Noong high school po. I was assigned as the shooting guard"

"Wow, shooting guard ka before?" gulat na tanong ni Dino. "Mukhang magkaka subukan yata dito ha"

"Tumahimik ka nga dyan, Dino" sagot ni kuya. "So, shooting guard ka pala. What if we play a match today?"

"Match?"

"Shooting guard ako. And I think mas maganda kung makakapag warm-up muna ako. Sa tingin ko kaya kitang talunin"

"Wala pong problema, captain"

"Ako na mauuna sa shooting"

"Sige po"

Inihalera na nila sa bawat kanto ng half-court ang mga bola. Gaya nang napapanood naming kapag may laban sa NBA. Maglalaban ang mga magagaling na shooter sa bawat team. Hindi ko alam nasa isip ni Cyrus ngayon

"Imposibleng matalo si captain pagdating sa shooting" sabi nung isang player

"Oo nga. Malay mo, ma-perfect nya lahat ng shooting nya" sagot naman ng katabi nito

"Cyrus, kakayanin mo ba?" tanong ko

"Ano ka ba, sis. Keri ko yan. Naglaro na ko before. Pero sa aura ng kuya mo feeling ko mapapalaban ako. Gagawin ko 'to para maging proud si Papa sa akin. Kaya don't worry"

Lumapit si kuya sa amin

"Ready kana, Cyrus?"

"Yes, captain. Handa na po ako"

v

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon