CHAPTER THIRTY THREE

1.5K 40 4
                                    


ANNE'S POV

Wala kaming naging pag-uusap ni Cyrus hanggang sa makarating kami sa bahay naming. May pasa kasi sya sa gilid ng labi nya at malungkot sya

"Cyrus, I'm sorry" sabi ko sa kanya

"Wala ka namang kasalanan kaya wala kang dapat ihingi ng sorry"

"Meron. Dahil ako yung nagtulak sa'yo sumali sa basketball team. Kung hindi nangyari yun walang pasa sa mukha mo"

Natawa sya

"Choice ko yun, sis. Saka pangrap ko talaga yan eh. Thankful pa rin ako sa ginawa mo"

"Paano mo ipapaliwang sa daddy mo yung nangyari sa'yo?"

"Bahala na, sasabihin ko nalang napag tripan ako"

"Ako yung nagi-guilty sa nangyari"

Naramdaman ko na lang na inakbayan nya ako at napatingin ako sa kanya at nakangiti syang nakatingin sa akin

"Don't worry, I'll be fine. Pumasok ka bukas ha"

"Oo ba"

"Sige, una na ako"

Pagkasabi nya no'n inalis nya yung pagkakaakbay nya sa kin at naglakad palayo. Habang pinagmamasdan ko sya may kung anong pumasok sa isip ko at humabol ako sa kanya at yumakap ako mula sa likuran nya

"Anne..."

"I'm really sorry..."

Ilang minute din akong nanatili sa pagkayakap sa kanya hanggang sa matauhan ako at kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya

"S-Sorry"

Humarap sya sa akin at isang nakakalokong ngiti ang bumungad sa akin

"Nang tsa-chancing ka rin no. naba-bakla kana sa'kin" biro nya sabay tawa. "Tignan mo nag blush ka pa, girl"

Hinampas ko sya sa braso nya na sya namang ikinagulat nya

"Aray!"

"Matutulog na ko. bye!"

At naglakad ako paalis

"Teka, biro lang yun" sigaw nya. lihim na din akong napangiti at agad akong pumasok sa loob ng bahay. Sa totoo lang, kinikilig din naman ako

Kinabukasan...

Kasabay ko pumasok si Kuya Jerome at nakita namin na bumaba mula sa kotse si Cyrus kasama ang isang lalaking ang edad ay nasa mid's-50. He is wearing a stripe long sleeves and black slocks and shoes. He looks professional.

"Yan ba yung daddy ni Cyrus?" tanong ni Kuya

"Siguro"

"Kailangan ko din makausap si Dino mamaya. I'm sure dinadamdam pa rin nya yung nangyari"

"Hindi ba naging unfair ang coach, kuya?"

"May talent si Cyrus. It's about time na bigyan ni Dino ng chance ang ibang players na mag excel"

Pumasok na kami sa loob ng campus. Dumiretso na ako sa unang class namin at umupo agad ako sa upuan ko

"Girl, nasaan si Cyrus?" tanong ni Aki sa akin

"Nag-aalala kami sa kanya" sagot naman ni Joey

"Hindi ko din alam kung saan sya pumunta eh. Pero nakita ko sya na kasama yung dad nya"

Lumapit si Melisa at Hazel sa amin

"Sis, nasa dean's office si Cyrus" sabi ni Hazel

"Oo. Nakita namin sya. Naku, baka mamaya ma-suspend sila ni Dino" sabat naman ni Melisa

"Siguro naman hindi hahantong sa gano'n ang lahat. Kakausapin lang siguro sila" sagot ko. nag-aalala na din ako sa kanya

Ilang sandali pa dumating na si Cyrus at umupo sa tabi ko

"Hi, mga sis" bati ni Cyrus

"Anong nangyari?" I asked

"H'wag kayong mag-alala, it's not that bad. Kinausap lang naman kami"

"Daddy mo ba yung kasama mo?"

"Ah oo, sorry di ko nasabi sa inyo"

"Did he know?"

"Not yet"

"Everything will go fine"

"Thanks, Anne"

Ngumiti lang sya at nag focus na ulit kami sa studies namin

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon