They Met.

1K 12 0
                                        

Chris POv.

"Ingat Hija."Sigaw ng daddy ko.

Tinanguan ko lang sya.

Hindi kami close ng daddy ko. Iniwan nya kami ng Ate ella ko for 5 years sa mga tyahin ko.

even though he knows that we need him. Kakamatay lang ng mommy ko ng iniwan kami ni daddy para sa hindi malinaw na dahilan. Since then I barely talk to him kahit tumatawag sya samin ni Ate Ella.Mabait si Tita samin at itinuring kaming tunay na anak pero kailangan ko ng tatay that time. Mas lalo akong nasaktan because I'm a papa's girl.

Last year bumalik sya dahil graduation ni Ate ng high school. Lalo akong nagtampo dahil 3 years ago that time nag-graduate ako ng elementary pero hindi sya dumating.

"kuya Milo..."Sigaw ng isang lalake.

Kasabay ng sigaw ko."Ahhhhh..."

At namalayan ko na lang na nasa sahig na ako at may nakadagan na isang lalake sa'kin.

"Naku..Pahara hara ka kasi."At walang anu-anong tumayo sya mula sa ibabaw ko.

What the fuck ang bastos nito ah.

At naglakad hindi man lang ako itinayo.

"Naku miss ok ka lang?"Inalalayan akong makatayo ng isang lalakeng medyo hawig ng lalakeng nakabangga sa'kin.

Mabilis kong hinubad ang sapatos ko at inasinta ang ulo ng lalakeng nakabangga sa'kin.

"Naku miss."sigaw ng umalalay sa'kin pagbato ko ng sapatos ko.

Tumama yun sa ulo ng lalakeng nakabangga sa'kin.

Hindi sya dumaing pero huminto sya.

"Patay."Bulong ng katabi ko.

"Wala kang...."At nagulat na lang ako ng hilahin ako patakbo ng lalakeng umalalay sa'kin.

"HUMANDA KA SA'KIN." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang malakas na sigaw ng lalakeng nakabangga ko.

Shit nakakatakot yung boses nya.

Kaya naman ako na ang humila sa nagtayo sa'kin.

Binilisan ko ang takbo lalo na ng marinig kong may mga yabag ding sumunod samin.Kesehodang medyas lang ang meron ako sa isang paa.

"Bilisan mo."Sigaw ko sa hinahatak ko.

"hahahahahaha..."At tumawa pa ang loko.

"MIKO humanda ka sa'kin pag inabutan kita.." Sigaw pa nito.

Nagulat ako ng biglang nahiglat nung Miko yung kamay ko ng mapahinto sya sa pagtakbo.

Paglingon ko nanghilakbot ako ng makitang kinukwelyuhan na sya ng lalakeng bumangga sa'kin.

"Ikaw!!!"Dinuro ako nito.

Nanlaki ang mata ko.Patay ako di pa yata ako makakagraduate mamatay na ba ako??

"Ikaw sapatos mo."At inihagis sa harap ko yung sapatos ko.

Hindi sya galit sa'kin?

"Ikaw Miko bakit pinatakbo mo yung babae ng walang sapatos ha?"At pinikot yung nagtayo sa'kin.

Ano hinabol nya kami dahil lang sa wala akong isang sapatos.

"Aray kuya baka naman makita ako ng mga classmate ko first day ko pa naman."Reklamo nito.

"Hoy."Tumingin sa'kin.

"Huh?"At itinuro ko pa ang sarili ko.

"Isuot mo na yang sapatos mo. Hindi ako sanay na may nakikitang baboy na isa lang ang sapatos sa school."Sabay ngisi at lumakad naulit na pingot pingot pa rin yung Miko.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon