Mikita's Clothes

458 14 0
                                    

Chris POV.

"Hi Mrs. Magsaysay."Nakipagbeso ako ng makita sya.

"ang ganda mo talaga hija."Bati pa sa'kin.

"Oh well thank you ma'am.Anyway may nagustuhan na po kayo sa designs?"Tanong ko.Ang dami ko nang designs na napresent pero wala pa rin syang nagustuhan sa sobrang arte nya ang dami nyang nireject kaya naiinis talaga akong makita sya.

"Yeah actually nasa co-designer mo na yung mga designs na nagustuhan ko."Ngiti nito.

"Ah... Okay po may concern ba kayo?"Magiliw kong tanong kahit naiinis ako na hinintay pa nya ako.

"Yes. Ah One more favor gusto ko sana ikaw na rin ang magdesign ng sapatos ko kung pwede."

"Oh..."Nanlaki ang mata ko at pilit na ngumiti. Asar hindi pa ba matatapos ang trabaho ko sa isang 'to."Sure.."feeling ko sa ilong ko a lumabas ang sagot ko.

"Good. Anyway just make it simple yung bagay sana sa gown ko."Kinuha na nito ang pouch nya at naglabas ng dalawang libo."Ito oh pang meryenda nyo ng mga kasama mo. I know naman na napapagod kayo sa mga designs for me."

ang bait yata ng malditang 'to bakit kaya?

"Ah hindi na po Ma'am."Tanggi ko at ibinabalik ang pera.

"No.Its okay. Anyway mauna na ako. Asahan ko ang designs this wednesday ah."At saka nagmamadaling umalis na sa opisna ko iniwan akong nagngingitngit. Asar....

"Hoy Chris bakit naman ganyang ang suot mo."Sita ng dakilang secretary namin na si Rachelle.

"Why?Out of fashion ba?"Nacurious tuloy ako sa outfit ko.

"Didn't you know na may business meeting ka with REMA's CEO?"Nakataas pa ang kilay.

"What??"Napatayo ako mula sa upuan ko.

I know REMA's CEO of course.I know him personally.Remigo Emilio Mikoto Alejandro Groups of Company's CEO??Of course...

"Oo. Itinext ko kaya sayo ang schedule ngayon ano ka ba?3:00 pupunta dito yung CEO"

"O my God."Nagmamadali akong lumabas ng opisna ko at Umalis nagdrive agad ako pauwi sa condo unit ko na malapit lang sa opisina ko.

"Hello"Sagot ko sa nagriring na cellphone.

"Saan ka pupunta?"parang natatawang sabi ni Dick.

"Ba't hindi ko ako inabisuhan na pupunta si Tito Miles dyan."Inis kong sabi. Mukha akong pupunta sa isang bar sa suot ko. Matagal kaming hindi nagkita ni Tito Miles at ngayon na lang kami ulit magkikita at ganito pa ang suot ko.

"Asar.."Inis kong sabi..

Teka nga...

"Teka?"Nagslowdown ako ng dahan dahan sa pagmamaneho."Bakit nga pala pupunta dyan si Tito Miles?"

"Hahahahaha...."Ang lutong ng tawa ng lokong Dick. "Nagmamadali kang umalis dito tas di mo alam?"

"Bakit nga.Umalis ako dyan dahil magpapalit ako ng damit."

"May proposal daw si Tito para sayo"

Proposal???

"Okay.. I'll be back."

Proposal?

That's means a project for me?

That's mean we are going to work together with Alejandros??

Ibig sabihin..

No..

Pinilig ko ang ulo ko. Balita ko wala raw koneksyon si Milo sa business ng Alejandro dahil isa itong Professor sa US. Yun ang sabi ni Dick sa'kin. I guess hindi naman kami magiging.magkatrabaho.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon