Tshirt

514 9 0
                                    

Chris POv.

Hayst naiinis ako. Naiirita,feeling ko pinagkaisahan ako.Until now wala pa yung mga dapat na katulong ko sa pag-aayos ng stage para sa opening ng foundation week namin ngayo..

Ang nakakainis nasaan ang mga clubs?At Kaming 3rd year star section ang mag-aayos nito?Este ako pala. Nakakairita.

Asan na ba yung mga walang alam na mga babaeng iyon?Matatapos ko ng ipaint 'tong pekeng gate ng school namin at ikakabit na'to sa pader ng stage!

HELLO HINDI KO KAYA 'TO.

tapos mamaya lang magdadatingan.na ang mga kapwa ko student for flag ceremony.

Badtrip.

"Need help?"Napatingin ako sa paang nasa harap ko. Kahit di ko na tignan kilala ko na 'to.

"Ang aga mo?"Tanong ko.

"Tssss... Hobby mo ba yan?"Nahimigan ko ang inis sa boses nya't naiinis na ako dahil naiinis na nga ako sa sitwasyon ko may tatapusin pa ako tapos makikisabay pa 'tong isang 'to.

"Ang alin?"Pa-asik kong tanong at tinignan sya ng masama.

"Ang sumagot ng tanong pag tinatanong ka."Parang wala naman sa isang 'to kung masama man ako tumingin eh.

"Milo please.. Not now I need to finish this."Medyo pinipigilan kong mainis.

"Diba nga I'm offering you  help?"May inis nanaman sa boses nito.

Medyo napupundi na ako but he's offering a good offer.

"K!Help me Na maidikit ito sa pader ng stage."

Patapos na ako sa ginagawa ko at kailangan na 'tong maitayo.

Yes ganun ako kabilis gumawa.No,I was Joking.. 30 mins. na ako at yun pa lang nagagawa ko yung malaking painting ng gate ng school.At yunh balloons.

Ng matapos na pinagtulungan na namin ni Milo idikit ang painting ng gate.

Kasalukuyan na naming idinidikit sa pader ng stage yung paint ko ng may di inaasahang dumating.

"Oh Milo ba't nandito ka?"Shit!!I know that voice.

"Tinutulungan ko si Chris sya lang kasi nag-aayos dito ikaw ba't nandito ka?"Angas ng pagtatanong ni Milo.Kasalukyan syang nakatuntong sa silya.

"Nakita ko kasi sya kanina na mag-isa eh baka hindi sya sinipot ng barakada ni Bell kaya Im about to help her."Mahabang explanation ni Justin

Takte namumula na yata buong mukha ko.

Kilig much talaga.Para akong si Cinderella at sya ang prince Charming .Si Milo si Jaq yung daga sa Cinderella

"Anong pwedeng gawin.Chris?"Ngiti ni Justin.Shit lumuwag nanam.yata ang garter ng panty ko at mukhang malalaglag.

"Kailangan itong isabit."Sabi ko habang hawak hawak yung iba pang need isabit sa seiling ng stage.Kahit sa loob loob ko ay sasabog na ako sa kilig.

"Sige ako ng bahala."Ngiti ni Justin.

My God this man takes my breath away.

"Tssss..."Bumaba na si Milo sa upuang kinatutuntungan nya at nagpagpag ng kamay.

Napangiti ako ng makitang ang ganda ng kinalabasan ng gate.

"Milo ito pa."Itinaas ko yung mga lettering na ididikit naman sa tuktok ng gate.

Tinignan nya lang ang hawak ko at tumalikod na.

"Huh?Pagod na ko eh andyan naman na si Justin sya na lang."At ang antipatiko kinuha na yung bag nya at isinukbit sa balikat nya.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon