Chris POV.
Isang araw,dalawa,tatlo...
At ngayon pang-apat na araw na ni Milong nakaratay.Inilipat sya sa maynila dahil mas okay ang ficilities dito.Helicopter pa nga ang ginamit upang mailipat sya.
Ngayon hawak hawak ko ang kamay nya.Naalala ko ang sabi ni Dial noon.Binabasahan nya daw ng comics si Milo dahil yun ang paborito nito.Ngayon ako ang nagbabasa nun para sa'kanya.Hindi ako magsasawa.
Mayamaya pa'y may pumasok sa kwarto nya.
"Chris.Umuwi ka na muna magpahinga ka na."Si Migo pala.
Bakas din sa itsura ni Migo ang walang kapangahingahan.Sya ang humalili sa pagpapatakbo ng negosyo ni Milo.Ako naman bumalik ako sa Mikita's.
"Hindi ka pupunta sa Mikita's?"Tanong ko sa'kanya hindi ko pa din binibitiwan ang kamay ni Milo.
"Hindi dito muna ako."
"Umm..Pwede bang bigyan mo muna ako ng ilanf minuto?Magpapaalam lang ako sa'kanya."
Ngumiti sya at tumango.
Pagkalabas nya inilapit ko ang hibig ko sa tainga ni Milo.
"Milo,gumising ka na..Naiinip na ako sa paghihintay sayo.Aalis muna ako."Huminga ako ng malalim atsaka hinalikan sya sa labi."Gusto ko pagbalik ko gising ka na."Atsaka muli syang hinalikan sa labi.Naramdaman kong bahagyang namasa ang mata ko.Kailan ba sya gigising at tutugon sa mga halik ko?
I don't know when will he wake up.Natatakot ako na baka pagbalik ko dito ibalita sa'kin na sumuko na sya.
"Mauna na ako Migo."Paalam ko kay Migo ng makita ko sya sa labas ng pinto.
"Ingat ka."Humalik sa pisngi ko.
"Ummmm.."Tumango ako.I was about to take a step when he holds my hand..
"Don't worry he'll gonna be okay just believe in him."Mahinang sabi nito.Nababakas sa boses ni Migo ang panghihina na sa sitwasyon.
Tingin ko hindi naman nya sa'kin yun sinasabi kundi sa sarili nya.Pinilit kong ngumiti kahit gusto ng tumulo ng luha ko.
"ummmm."Tumango ako"Nakayanan na nya yan noon.Kaya ngayon.alam kong kaya nya ulit ma-isurvive yan."
"Yeah.."binitiwan na nya ang kamay ko at bahagyang lumiwanag ang mukha."Sige mag-iingat ka.
"Ummm."Atsaka na ako umalis.
Kailangan namin magpakatatag para kay Milo.Sa gumawa nito sa'kanya magbabayad sya.Gustong gusto ko na kausapin si Gin pero pinipigil k ang sarili ko cause I know Milo will be the one who will explain everything to me.
--------------------
"Oh Chris."Nagulat pa si Nicky ng dumating ako sa opisina ni Milo.
"Ah Nicky.Nakabukas ba ang opisina ni Milo?"Mahinang sabi ko.Pagod na ako pero ayaw ko pang umuwi.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng paa ko.
"Bubuksan ko."
"Salamat."Ngiti ko.
"Are you okay."Nag-aalalang sabi nito habang binubuksan ang pinto ng opisina ni Milo.
Umiling lang ako.Hindi ako okay.Paano akong magiging okay?Habang tumatagal na wala syang malay. Habang tumatagal na hindi sya nagigising natatakot ako.
"Sige magpahinga ka na muna dyan."
Pumasok ako.Si Nicky na ang nagsara ng pinto nilock pa nga nya iyon.
Naglakad ako papunta sa swilve chair.Ni Milo.At naupo doon.
Sa pag-upo doon feeling ko nakayakap sa'kin si Milo.Wala ng nakapasok dito simula ng magkita kami.Ayaw daw magopisina ni Migo dito.

BINABASA MO ANG
I love you Chris
RomansaFrom kontra bida to Bida Chris Lauren of In times. Nahanap na kaya ni Chris yung taonv nakalaan sa'kanya?Yung taong rason kung bakit hindi pinayagan ng langit ang relasyon nila ni Justin? Malaman kaya ni Chris ang dahilan ng lahat ng nangyari sa bu...