Lasagna.

342 7 0
                                        

Chris POV.

"Buti na lang naapprove na ni Milo ang designs."Si Dick habang nasa pantry kami.

"Oo nga."Humigop ako ng kape at binuksan ang bisquit na nakuha ko lang din sa pantry.

"Grabe alam mo ba sis?Ang selan maglihi ni Mike. Nagwiwindang ako kakahanap ng mga gusto nya. Mantakin mo pumunta pa ako sa binondo kahapon para hanapin yung malaking shopao dun."Iiling iling na sabi pa nito at humawak sa noo."Nasisira na ang beauty ko sis."

Ano ba yan. Puro baby na ang naririnig ko how about me?Kailan ako magkaka-anak. boyfriend nga wala anak pa kaya?Tsssss.. Patawa ka Chris.

"Hay naku ganun talaga magiging fuji ka na eh.Sinubo kong buo ang bisquit.

"Goodmorning."

Halos mahirinan ako ng may seryosong boses na bumati bigla sa likuran ko.Agad akong humigop sa kape upang matunaw agad ang biscuit.

"Okay ka lang."Hinawakan pa ako nito sa likod."Tssssss.. Dahan dahan lang kasi sa pagkain di naman mawawalan ng stock dito."Nilagpasan na ako at dumiretso sa microwave.

"Hindi ako nagmamadali. It's just that, Wala ka bang microwave sa opisina mo?"Nakakainis bakit ba kasi sya sumusulpot?

"What was that?"Lumingon sa'kin matapos pihitin ang desire nyang time at temperature.

"Sabi ko wala ka bang Microwave sa opisina mo at dito ka pa nag-iinit ng pagkain mo."Ulit ko lang sa sinabi ko.

"I guess this is my company and building so wala naman siguru masama mag-init ako ng pagkain sa pantry ng opisina ko.And hindi naman bahay ang private office ko para makompleto."Sarcastic na sabi nito.

"Yeah whatever." Kailan nga ba ako nanalo kay Milo?

Isang tensyonadong katahimikan sa loob ng ilang minuto ang namayani saming tatlo. Si Dick mukhang nakikiramdam lang samin ni Milo kung sino ang magsasalita at sino ang mangbabara.

Nakakailang ang sitwasyong ito.

****ting*****

Tumunog na ang microwave.Kahit mainit nakaka-amaze na nahawakan ni Milo ang lalagyan.Walang salisalitang naglakad sya at huminto sa harapan ko upang ilapag yung ininit nya.Tinignan ko lang iyon.Lasagna ang laman niyon.

"Thank you last time."At nagdirediretso ng lumabas sa pantry leaving me and Dick speechless.

Tinitigan ko lang ang pagkain sa harapan ko. Sa itsura pa lang nito mukha namang masarap.I remember something in this thing.

"Tssss...Wag ka nga mataray dyan. Oh."Nilapag nito ang isang Minute made na nasa plastic bottle at isang vegetable salad na nasa isang microwavable na lalagyan.

"A..ano 'to?"Nangunot ang nuo ko. Para saan naman 'to at bakit naman puro healthy foods?

Yuck vegies.

"Pagkain bulag ka ba?"Naiiritang sabi nito.

"I know what I mean para saan 'to?"Inis na sabi ko.Ang therapeutic kausap nito.

"Para sa tyan. Ano ba?Yan ba epekto ng pagtama ng sapatos ko sa ulo mo?Lokong nurse yun ah sabi okay ka lang."Mukhang maiksi lang ang pasensya ng lalakeng ito.At nagawa pang idamay ang school nurse namin.

"Alam mo nakakainis ka."Akmang tatayo na ako ng hilahin nya ako pabalik sa upuan ko.

"Kainin mo yan di ka naglunch."

"Tikman na natin yan sis.Ang unfair naman ni Milo andito din naman ako. Unfair bakit ikaw lang may lasagna."

Tinignan ko lang ito atsaka inurong papunta sa tapat ni Dick.Nagtaka naman ito tinignan muna ang pagkaing inusog ko sa harapan nya bago ako tinignan.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon