Listen.

261 8 0
                                    

Milo's POV.

Naupo ako sa isang bench na nasa di kalayuan at pinagmamasdan ang isang magandang babaeng nakapink na jacket.Black shorts at blue running shoes.

Gabi na nagjajogging pa.

Pinahirapan akong hanapin sya ng babaeng 'to.Napangiti ko.Ang akala ko hindi ko sya makikita, dito ko lang pala sya makikita.Mukhang malalim ang iniisip ng babaeng ito habang tumatakbo.Ni hindi nga nya namamalayan na may dalawang matang sinusundan ang ginagawa nya.

Until di ko na matiis dahil gusto ko na syang yakapin.

Inabot ako ng 10 hours na nagdrive ng motor kakahanap sa'kanya ni wala ngang hintuan yun.Ang hinto lang nun ay ng dumating ako sa bahay nila at malaman sa ate nyang gulat na gulat na nandun ako na wala sya.Ngayon masakit na ang balakang ko.At hindi na ako makapaghintay na kausapin sya.

"Chris."

Unti-unting bumagal ang pagtakbo nya at kunot noong napatingin sa'kin.

"Milo."ng makaharap sya sa'kin.

Tumayo ako at namulsa atsaka sya nilapitan.Ng makalapit ako sa'kanya hindi ko na napigilang higitin sya at yakapin.

Naramdaman ko namang nanigas ang katawan nya pero lumambot din iyon.

"An...."Magsasalita pa lang sya pinutol ko na sasabihinnya hindi ako bumyahe bg pagkalayo layo para lang tanungin nya kung bakit ako nandito.

"Please..You need to listen to me please.."At hinigpitan ko ang pagkakayakap sa'kanya.

Nagulat ako ng gumanti sya ng yakap sabay tango.Humigpit pa nga ang yakap nya sa'kin.

Hindi ganito ang inaasahan kong magiging reaction ni Chris sa pagdating ko.I expected na magiging mahirap para samin ang makapag-usap.

But this....

This is a blessing..

---------------------

Chris POV

"Mother magjajogging lang po ako."Paalam ko kay mother superior.

Dito ako dumiretso pagkabigay ko ng resignation letter ko kay Nicky.Alam kong dito makakapag-isip isip ako.

"Hija gabi na ah."Kumunot pa ang noo ni Mother.

Ngumiti ako.Kakagising ko lang mula sa pagkakaidlip ko pagdating ko dito."Mag-iisip isip lang po mother."

Hindi na ako makatulog ng magising ako.

Ngumiti naman si Mother."Ano man yang problema mo anak manalangin ka lang sa Dyos at tutulungan ka nyang malagpasan yan."

"Opo."Napangiti ako.

Lumabas na ako at at nagstretching. Habang ginagawa yun ay nag-iisip ako. Kahapon nakausap ko si Dick at Mike. Sinabi nila sa'kin ang possible reason kung bakit ganito ang reaksyon ko sa ginawa ni Milo.

Possible daw na mahal ko pa talaga si Milo at hindi naman nakalimutan ito in denial lang daw ako.Isa pa baka daw kailangan ko makipag-usap ng masinsininan kay Milo upang maayos ang nararamdaman ko.

Ngayon tuloy nag-iisip ako. Kailangan ba binuksan ko yung pinto para nakapag-usap kami?

Nagsimula na akong tumakbo sa field ng ampunan.

Kailangan ko bang marinig ang kailangang sabihin ni Milo sa'kin?Ano ang nakalagay sa teddy bear na record?Dapat ba pinakinggan ko yun?

Bumalik na kaya ako Manila?Kausapin ko kaya si Milo?Pero diba noon iniwan nya ako?Ang sama pa nga ng sinabi nya sa sulat. Pero bakit ganun ang ikinikilos nya?

ano ba?Naguguluhan ako gulong gulo ako.Ang sabi ng puso ko kailangan ko marinig ang explanation ni Milo pero ang sabi ng utak ko wag na lang kasi..Baka masaktan ako.Baka hind ko matanggap ang explanation nya.Pero...

"Chris.."

Unti-unti kong binagalan ang pagtakbo ko.Atsaka marahang lumingon upang kompirmahin na hindi guni guni lang ang narinig ko.Hindi lang yun dala ng isip ko.

"Milo"Napakunot ang noo ko.Naghahallucinate na ba ako?

And my heart almost stop beating when I saw him. He stands and put his hand on his pocket.He slowly come close to me.

Mukhang pagod ang itsura ni Milo.Nakaoffice wear pa sya minus the coat. Nakatupi ang polo nya hanggang sa siko.Maluwag ang tie at nakabukas ang ilang botones. Magulo na rin ang buhok nya.

Pero kahit ganun kitang kita ko ang saya at pag-aalalang lumatay sa mukha nya habang papalapit sa'kin.

Ng makalapit sya sa'kin tinanggal nya ang kamay nya sa bulsa nya at hinigit ako ng yakap.Nagulat ako but to feel this.. This.... feeling of his warm arms that I've been longing for seven years.Madali ding nawala ang gulat.

"An...."I was about to ask why he's here but he stops me.

"Please..You need to listen to me please.."At hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin.

My God..This is what I really need right?diba nga sabi sa'kin noon ni Milo.

"You need an explanation Chris because you don't understand what happened.Wag mong ipagkait sa sarili mo na marinig yung explanation ng dad mo kasi baka doon maging masaya

ka."

Now I know I have to hear Milo's explanation I know I have to listen.Yun ang sinasabi ng puso ko.

Niyakap ko sya at tumango.

I surrender I choose my heart.I want to listen.Para mawala na 'tong mabigat na bagay na'to.

--------------------

A.n

Yung feeling na gusto mo marinig yung explanation pero hindi ka nya binibigyan ng explanation..Ang swerte ni Chris at mag-eexplain si Milo.

Kaya guys kung may mag-eexplain sa'inyo at napansin nyong sincere please pakinggan nyo..

Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon makarinig ng explanation..

:)

Mqy pinagdadaanan si author hahaha..

Anyways hope you like this short kilig moment...

Wait for Milo's reason guys..

***icefire20****

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon