Milo's POV.
Sa parking lot.Hinanap ko agad ang sasakyan ni Chris.Swerte ko to find out na hindi pa sya nakakaalis.Tinakbo ko na agad iyon.I was about to knock when I realized that she is crying.
Umaalog ang balikat nya.
Parang may kumurot sa dibdib ko.7 years ago?Ganito ko rin ba sya nasaktan?Naging dahilan din ba ako ng pagluha nya?
Natatakot na akong kumatok.Natatakot na akong makitang tama ang hinala ko na umiiyak sya.Natatakot akong makita yung sakit sa mukha nya.
Pero hindi ko kayang hayaan syang umalis na mali ang iniisip sa nakita kanina.Ayaw kong mabalewala ang effort ko sa paghahanda ng surprise para sa'kanya.
Ilang minuto pa nagkalakas na ako ng loob upang katukin sya.
Kitang kita ko ang pagkabigla nya.Iniangat nya ng ulo nya mula sa pagkakayuko sa manibela at marahas na pinunasan ang luha nya.
"Please...open this...lets talk "Sigaw ko upang marinig nya sa loob.Gustong gusto ko na syang yakapin at aluin.Gusto kong alisin ano mang sakit na nararamdaman nya.
Umiiling sya sabay nun ay ang pagstart nya ng sasakyan.Hindi na nya ininit pa ang makina at pinasibat na agad nya ang sasakyan.
"Chris.."Katok ko sa salamin bago pa iyon sumibat.Wala akong nagawa.
Kailangan ko pa ba syang habulin?Paano kung the more na lumalapit ako the more na nasasaktan sya?Baka mas nahihirapan sya pag lumalapit ako sa'kanya.Imbes na mapasaya sya tulad ng gusto ko sakit pa ang idinudulot ko sa'kanya.
Maybe I should go back to US. I should stop pursuing her.
----------------
"Oh anong himala at nagyaya kang uminom?"Si Loki kadarating lang nito sa bar na usapan naming dalawa.
Napangisi ako.Hindi kaya mali nanaman na uminom kami?Years ago ganito rin.Umiinom din kami dahil si Chris din ang problema ko.Tapos napahamak na kaming dalawa matapos nun.
"Wala.Baka kasi di na kita mayaya sa bar na'to."Ngisi ko.
Paborito naming bar 'to ni Loki.Dito ang talagang inuman namin sabagay kilala ko naman kasi ang may-ari nito kaibigan ni papa.
"Oh bakit?Mamatay ka na?"Biro pa ng pilay na'to.
"Tsss..."Lumagok ako sa Beer na nasa harap ko.
"beer."Si Loki sa waiter.
"Baka kasi bumalik na ako ng US and stay there for good."Lagok ulit.
"No problema mo?Last time you were so sure na magsesettle ka na dito?Thats why nagresign ka sa university.Ngayon naman you want to go back there and stay for good."Ininom agad nito ang bingay na beer.
Huminga ako ng malalim."Mukha kasing hindi naman masaya yung binalikan ko dito."Tinitigan ko pa ang bote.
"Si Chris."Tumawa si Loki."Ano bang nangyari?Takte naman Milo wag ka na kasi pabitin bro...Ikwento mo na ng maayos..Tang na para tayong nasa talk show eh."Tulad ko wala ding pasensya si Loki sa mga pasuspense na bagay.
Napangisi nanaman ako.
"Tssss...Para tumagal ang kwentuhan."
"Ang gay mo naman eh."Inis na sabi nito.
"Gusto mo pilayan kita para pantay?"Biro ko.
"Ayan nanaman tayo eh.Nagbabanta ka nanaman aba.Kahit pilay ako di kita uurungan."Pagyayabang nito.Well palaban naman talaga si Loki.Nagkataon lang talaga na napagtulungan sya at naunahan sya.
BINABASA MO ANG
I love you Chris
RomanceFrom kontra bida to Bida Chris Lauren of In times. Nahanap na kaya ni Chris yung taonv nakalaan sa'kanya?Yung taong rason kung bakit hindi pinayagan ng langit ang relasyon nila ni Justin? Malaman kaya ni Chris ang dahilan ng lahat ng nangyari sa bu...
