Chris POV.
Antok na antok akong pumasok sa opisina.Gabi na ako nakauwi sa bahay ni Dad kagabi,gabi na kasi ako nagising sa bahay ni Milo. Ngayon naman ang sakit sakit ng ulo ko dahil hindi na ako nakatulog pa simula ng ihatid ako ni Migo sa bahay.
"Sis coffee gusto mo?"Alok ni Dick sa'kin.
Pumunta sa'kin to inform me na cancel nanaman ang meeting namin kay Milo kaya naman dumiretso kami sa pantry. Mukhang talagang busy yung tao yun at kahit importanteng meeting cancel.
"Please."Lambing ko kay Dick.
Kasalukuyang nagtitimpla si Dick ng kape ko ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Ahhhhhrrrrrrgggggg sino ba'to ang sakit sakit ng ulo ko.
Habang nakatukod ang isang siko ko sa lamesa at nakasapo ang noo ko tinignan ko kung sino ang tumatawag. Number lang ito at nakakatamad sagutin pero...
"Hello,Chris Lauren Speaking."Medyo siniglahan ko pa ang boses ko.
"Hello Chris."
"May I know whos on the line?"
"Mr. Alejandro."
My God ang sakit na ng ulo ko mukhang pahuhulain pa ako nito kung sinong Alejandro sya.
"Remilio Alejandro,Remigo Emilio Alejandro,Remigo Alejandro,Emilio Alejandro o Mikoto Alejandro?O baka naman Emiliana Alejandro?"Mabilis kong sabi.
Nakarinig pa ako ng tawa sa kabilang linya. I already knowwho's on the line. Rare lang maririnig ang tawang yun thats why nagreretain sa utak.
"It's me Milo."
"Ano pong kailangan nyo sir?"Diniin ko pa ang sir.
Napatingin naman si Dick sa'kin habang inilalabas naman sa microwave ang sandwich na binili namin kanina.
"I just want you to send me your presentation via email."Okay.Seryoso na sya this time.
"Okay Sir ngayon na po ba?"Pagsisigurado ko. Thankful ako at kasama ko ang laptop ko ngayon dito sa pantry.Naghahanap na kasi kami ni Dick ng magiging venue ng fashion show para sa launch.
"Sana. Cause ngayon lang ang bakanteng oras ko."
Tinignan ko naman si Dick na naupo na sa tapat ko matapos ilapag ang kape at sandwich.
"Okay Sir.Ano pong email Add."Tanong ko.
"Are you with Dick?"Imbes na sagutin ako tinanong ako.Pero ano bang K ko para magreklamo sa trip nya?
"Yes sir."Lalo yatang sumasakit ang ulo ko. Simula talaga ng magsimula ako dito puro stress na ang inabot ko.
"Okay. Wala kasi kayo pareho sa office nyo.Well alam na ni Dick ang
E-mail add ko just ask him."
"Okay po."Nagsip ako sa Kape para lang matigilan sa sasabihin pa ni Milo.
"Anyway,Chris...Im so sorry."Sinscere ang boses nito at tagos sa buto ang mensahe.
"Again sir?"gulat kong sabi at natigil ang paghalo ko ng kape.
Huminga ito ng malalim."Tssss...I said I'm sorry kong naistorbo ko kayo ni Dick.Anyway bye."At nag busy tone na ang kabilang linya.
Sexy na ako ngayon ah bakit hindi pa rin sya gentleman.Hmmmmpp..
"Ang sakit talaga ng ulo ko. Anyway Sis ano ba email add ni Milo?Isesend ko na lang daw yung presentation natin."Sabi ko habang nagtitipa na sa computer ko for signing in sa Google account ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/14506727-288-kcb3ac5.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you Chris
عاطفيةFrom kontra bida to Bida Chris Lauren of In times. Nahanap na kaya ni Chris yung taonv nakalaan sa'kanya?Yung taong rason kung bakit hindi pinayagan ng langit ang relasyon nila ni Justin? Malaman kaya ni Chris ang dahilan ng lahat ng nangyari sa bu...