Sunset

289 13 0
                                    

Chris POV.

Matapos ang pagliliwaliw namin ni Milo sa perya hindi agad kami nakakita beach.Sa isang hotel kami nagpalipas ng gabi.Katulad ng una budget room lang ang kinuha namin.Kinabukas nun sa isang park namin inubos ang araw namin.Madaming activity sa park na yun kaya naman naubos ang lakas namin ni Milo.

Wall climbing,Zipline,boating,horseback riding at kung anu-ano.

Kaya ng makahanap kami ng matutulugan plakda na kaming dalawa.Ngayon ang ikatatlong araw namin.At definitely bukas babalik na kami sa totoong buhay.

"Mahal hinto mo."Nagpapanic na sabi ko.

"Bakit?"Parang inaantok pang sabi nya.Paano naman maaga kaming umalis sa hotel.Ngayon medyo mataas na ang araw malamang masakit na ang mata nito kaya nakashades na.Naawa din ako sa'kanya.Di pa sya nakakapag-pahinga sa pagdadrive.Hindi naman kasi nya nililipat ang manibela sa'kin.

"May fishball."Turo ko sa mga nagtitinda ng streetfood.

Kitang kita ko ang pagngisi nya.Inihinto naman nya ang sasakyan.Bumababa kami at bumili.Noon mahilig kami ni Milo sa mga ganitong pagkain.Hindi naman kami maarte kahit na nga ba sa maalwas na pamilya kami nagmula.

Ng makasakay na kami ang naging set-up ako taga subo sya taga kain lang.Syempre sya may hawak ng manibela eh hahahan.At isa pa nag-eenjoy akong pagsilbihan sya.

"Mahal di ka pa ba pagod magdrive?"Pinasipsip ko sya ng buko juice.

"Hindi ako mapapagod as long as alam kong masaya ka."Seryosong sabi nya.

Eeeeee... nakakakilig.

"Ako naman magdadrive?"Suggest ko pa din.

"Ayaw."Nilabian pa ako.

Childish Milo now on.Hehehehe...

"Oh kumain ka na nga lang."Subo ko ng chicken ball sa'kanya.Kinikilig na kasi ako hahaha..

"Gusto ko ng kikiam."Tanggi nito sa chicken ball kaya ako ang sumubo nun.

"Arte."Bulong ko pa.

"Cute naman."Ganti nito.

"Saan banda?"Angil ko sabay subo ng kikiam sa'kanya.

"So boo."Dalawang kikiam kasi ang agad na sinubo ko sa'kanya.

"Parang wala naman."Binigyan ko agad sya ng juice baka mabilaukan.

"Edi wala."Sungit mode on again?

"Paborito mo yan"Nabigla ako sa nasabi ko.

"Huh?"Nangunot na ng husto ang noo ng loko.

"Tssss.. yang sungit mode mo bakit lagi mo ino"on."" Inis inisan kong sabi para di halata na nahuli ako sa iniisip ko.

"Ha?"Taka pa ding sabi nya "Bakit may iba iba ba akong mode?"Taka pa din.Kulang na lang ngumanga sya sa sobrng wlang clue sa sinasabi ko.

"Oo may childish mode ka,May masungit,may nuetral,may sweet.At madalas naka"on" dun yang sungit mode mo."Nakanguso ko pang sabi.

"Eh ano bang paborito mong mode ko?"Takang tanong nito.

"huh?"Namula ako sa tanong nya.Eh paano naman ang sagot ko...

"Anong paborito mong mode ko?"Pag-uulit nito.Mukhang naaaliw sa topic namin.

"Syempre yung madalas naka"on."Tumingin ako sa labas para manlaki ang mata.. Nasa lugar na kami kung saan may dagat. At hindi basta dagat.. asul na asul na dagat..

"Eh di wala tayong magiging problema dun."

Humarap ako kay Milo at nakita kong ngiting ngiti sya sabay kindat.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon