True Love.

407 9 0
                                    

Chris POV.

"Salamat at makakain na."Reklamo ni Miko.

Sa gitna syempre naupo si Tito si Migo sa kaliwa ni tito kasunod nya si Miko.

Sa kanan naman yung ikalawang upuan ay hinila ni Milo para sa'kin.

Nagtaka ako ng sa ikatatlo sya naupo.

Hindi ko rin maiwasan magtaka kung bakit 6 na plato ang nakahanda.Baka naman may girlfriend si Tito at parating pa lang.

Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

"Nagtataka ka ba hija kung bakit walang pumwesto dyan sa katabi mo?"

Yung totoo psychic ba ang papa ni Milo at palagi nya nalalaman ang nasa isip ko.

"Sa girlfriend nyo po Tito?"Nakangiting tumingin ang Papa ni Milo sa upuang hindi inuukupa sa tabi ko.

"Kahit wala na ang Mama nila Milo naglalagay pa rin kami ng plato para sa'kanya."

Ano daw sa mama nya ang upuan na'to?

"Andyan nga sya sa tabi mo ngayon eh"si Migo na tila may nakikita nga sa tabi ko.

Namputsa. 

Tatayo na sana ako ng hatakin ako ni Milo.

"niloloko ka lang ni kuya ano ka ba?" parang inis pang sabi ni Milo lagi naman 'tong masungit eh.Pero nakahinga ako sa ginawa nya.

Napatingin ako kay Milo at sa iba na ngumiti rin.

"joke. Gusto kasi ni Papa lagi namin aalalahanin si Mama. Na hindi porke namatay na si mama eh ibabaon na rin namin sa limot."Sabi ni Migo sabay abot sa papa nya ng kanin.

Parehas kami ni Milong wala ng mama base na rin sa narinig ko kanina.Kaibahan lang their father love their mother so much. Samantalang sa'kin kinalimutan na agad.

At nakakatuwa ang papa nila.

Sana ganito rin ang papa ko.

-----------------

Milo's POV.

"Chris oh."Inilapag ko sa harap nya

choco moose na gawa ni Miko kaninang umaga.

Kasalukuyan kaming nasa garden Nagprisinta akong tulungan syang magreview para sa contest bukas.

Katatapos lang namin kaya napagpasyahan kong alukin sya ng dessert para naman kahit papaano magka-energy pa sya.

Pasado alas-dies na kaya maya maya ay ihahatid nanamin sya ni Kuya Migo.

"Salamat."Agad syang kumuha at kinain."Ang sarap ikaw din ang gumawa nito?"Nakangiting sabi nya.

"Kaya ka tumataba eh mahilig ka yata sa matamis eh."Iling ko at ininom ang coffee ko

"Ewan ko sa'yo"Irap nanaman nito mula kanina habang nagrereview kami naka-isang daang irap yata sya sa'kin.

"Si Miko ang gumawa nyan."Turo ko sa moose.Wala lang may masabi lang.

"Masarap."Sumandal pa sya sa upuan at nilaro ang kutsara sa bibig nya."Lahat ba kayo marunong magluto?"At tumingin pa sa'kin.

"Oo.Lahat kami marunong maglaba,mamalantsa maglinis lahat ng gawaing bahay."Buong pagmamalaki kong sabi.

"Mayaman naman kayo bakit hindi kayo kumuha ng maid?"Nakakunot pa ang noo ng matabang ito.

"Hindi kami mayaman dalawa pa lang ang mall ni papa.Ang mga lolo at lola namin ang mayaman.Sila ang may ari ng bahay na'to."

Nanlaki ang mga mata nito.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon