Milo's POV
Mula pagdating nila dito kitang kita ko sa reaksyon ni Chris ang pagkagulat.Sa buong oras na nandito sila Justin halatang halatang naiilang sya nagbabago ang reaksyon ng mukha nya lalo na pag nababanggit ang past nila ni Justin.
Pinagmamasdan ko ang bawat kilos nya at nasasaktan ako sa nakikita ko.Apektadong apektado pa rin sya kay Justin.Tama nga yata rebound nga lang ba ako?Mula noon taga salo.Pero diba mahal ko sya at sabi nga ni Dial.
"Diba?Mahal mo sya?Ano bang ginagawa ng nagmamahal sa mahal nila?Diba sinasalo pag nahulog?Diba inaalagaan pag nasaktan?Diba kahit magmukhang tanga okay lang basta maging okay yung mahal nila?So diba mahal mo sya?Kung rebounder ka man eh ano?Mahal mo sya eh.Nasaktan sya kaya handa kang gamutin lahat ng sakit na yun.Ayos lang yun...Mahal mo eh."
Napapraning na talaga ako.Lalo na ngayong napatunayan ko na apektado pa rin sya kay Justin.
"Paano Milo sa susunod ulit ah."Tila hinila ako ng boses ni Honey pabalik sa mundo kung nasaan kaming apat.
"Ummm."Tumango ako at humalik sa pisngi ni Honey."Paano Justin,Ingatan mo yang si Honey ah."Kinamayan ko si Justin.
"Oo naman.Ikaw alagaan mo 'to."Humalik sya sa pisngi ni Chris.Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong hablutin si Justin at iitsa.
"Oo naman."At inakbayan si Chris.Ramdam kong nanigas ang katawan ni Chris ng akbayan ko.
"Sige una na kami."Sumakay na sila sa kotse at ilang saglit lang nawala na sila sa paningin namin.
Doon naman mabilis na naglakad si Chris pabalik sa bahay.
O shit ito na yung sinasabi ni Dial for sure.Gulo 'to.
Pagpasok na pagpasok ko sa loob nakasukbit na sa balikat ni Chris ang shoulder bag nya.Hindi na maipinta ng mukha.
"Chris saan ka pupunta?"Hinawakan ko sya sa braso.Okay hindi lang sya ang may masamang araw ngayon.Masama din ang araw ko sa mga kinilos nya.
"Uuwi na ako."Malamig pa sa alaska ang tono ng boses nito at iwinaksi ang kamay para mabitiwan ko sya.
"Bakit ganyan ka may problema ba?"Inis kong sabi.Okay yung kapraningan ko lumalabas na.
"Bakit ha?Sinong matutuwa sa ginawa mo?"Galit na galit si Chris.Ito ang unang beses na nakita ko syang ganito.Maybe I really cross the line.
"Bakit?Ano bang masama?I just want to catch up with Honey bakit apektado ka pa rin kay Justin."Selos at praning ako masisi nyo ba ako?
"Catch up?Tingin mo maniniwala ako na yun lang ang dahilan mo ng pagpapunta sa'kanila ng hindi ko alam ng hindi nila alam na nandito ako??"
"Bakit ano pa bang dahilan?"Galit kong sabi.
"Ewan ko Milo.Now tell me may iba pa bang dahilan?Ano bang dahilan mo?Anong motibo mo?Anong umiikot dyan sa isip mo?"
"Fine I want to see if your still affected to him.I wanna know if you still love him"Sigaw ko.I'm pissed off
Kitang kita ko ang lumatay na sakit sa mukha nya.Parang yung reaction ng isang taong pinagkaitan ng tiwala and fuck I'm so guilty.
"You should ask."Mahina ng sabi nya.
"Para ano?Para mag-isip ako kung totoo ba ang sinasabi mo?"
"You never trust me do you?"Nagulat ako ng may pumatak na luha sa mga mata ni Chris.
"I..."Bigla akong nawalan ng sasabihin."I trust you it's just.I wanna know.."
"Oo.."Lumuluha nyang sabi."Apektado pa rin ako sa presensya ni Justin.Hindi lang ni Justin kundi pati ni Honey.Hindi ganun kadaling kalimutan na minsan akong sinaktan ng mga taong yun.At mas lalong hindi ganun kadaling kalimutan na minsan ko din silang nasaktan."Nangingig ang labi nya."Payag akong makipagkita sa'kanila Milo pero hindi sa ganitong paraan.Hindi biglaan."
BINABASA MO ANG
I love you Chris
RomanceFrom kontra bida to Bida Chris Lauren of In times. Nahanap na kaya ni Chris yung taonv nakalaan sa'kanya?Yung taong rason kung bakit hindi pinayagan ng langit ang relasyon nila ni Justin? Malaman kaya ni Chris ang dahilan ng lahat ng nangyari sa bu...