Past Closure for the Future.

298 8 2
                                    

Chris POV.

Nagdoor bell ako sa bahay ni Justin.

Of course I know where they leave.I used to sleep here.Ng huling punta ko dito isa lang ang naramdaman ko.Hatred.Oo galit na galit ako noon especially na si Honey ang nasa loob ng bahay na'to pero ngayon.

Wala akong maramdaman.Para lang akong bibisita sa isang kaibigan.

Pinindot ko na ang doorbell.

Ilang araw din ang pinalipas ko bago ako nagpasyang magpunta dito.Ilang araw akong walang narinig kay Milo.

Nagleave ako for this day pero bago yun may pinaabot ako kay Nicky para kay Milo.Kahit na anong effort ko na maabutan si Milo sa opisina upang magkapagusap kami at personal na ibigay yung pinabigay ko hindi ko sya maabutan.Sabi ni Nicky kabi-kabila daw talaga ang inaayos ni Milo ngayon.Minsan nga daw iniisip nya kung nakakain ng maayos ang amo nya dahil kahit launch may minimeet ito.May araw pa ngang 12:00 ng gabi may nakameeting ito.

Nag-aalala ako kay Milo baka magkasakit nanaman sya sa ginagawa nya.

Napukaw ng pagbukas ng gate ang iniisip ko.

Talaga bang nakatadhana kong makita ang mga hindi inaasahang tao?

"Hija?"Gulat na sabi ng mama ni Justin.

"Ti..Tita.."Medyo kinabahan ako.Ewan ko noon pa man kinakabahan na ako pag nakikita ko ang mama ni Justin.

"Ano't naparito ka?"Nginitian ako.

"Ah Tita kasi.."Wag na lang kaya sa ibang araw na lang kaya?

"Pasok ka Hija.Gusto mo bang makausap si Justin at Honey?"Ngiti pa rin ni Tita.This time alam kong totoo yung ngiti na yun.Hindi yung ngiting tila napipilitan lang dahil no choice sya at girlfriend ako ng anak nya.

Hindi ko rin napigilang ngumiti.

"Pwede po tita?"

"Oo naman halika.Ang kaso parating pa lang sila nagpacheck-up kasi si Honey but don't worry parating na daw sila."Niluwagan sa'kin ni Tita ang gate.Iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa labas.

"Ay tita ito po."Abot ko sa isang white na kahong dala ko.

"Ano ito?"Takang tanong ni tita.

"Nagbake po kasi ako ng cake kanina."

Alam ko..Alam ni Tita..

"Akala ko hindi ka marunong magluto?"Gulat nyang sabi.

"Mahaba pong kwento tita.Ang totoo po highschool pa lang po ako marunong na akong magluto."Ngiti ko.

"Ganun ba?bakit hindi mo naman pinatikim samin.Anyway seatdown hija.Ikukuha lang kita ng maiinom.Ano bang gusto mo hija?"Magiliw na tanong ni tita.

Wala akong makapang panghihinayang na dapat sya ang magiging byenan ko.Bagkus masaya ako na sya ang naging byenan ni Honey.After living in a hell she's finally living in heaven.

"Tea na lang po tita."Ngiti ko.

"Okay wait hija."

Ilang minuto lang nawala si Tita at pagbalik nito may dala na itong dalawang cup ng tea at slice ng cake na gawa ko.

Napangiti ako.

"Pasensya na hija ha.Kung itong cake mo din ang ma-offer ko.Gusto ko kasing tikman ang gawa mo."Ngiti nito.

"Hahaha.It's okay tita."Ngiti ko sabay kuha sa tea.Dark chocolate cake ang ginawa ko since less sugar yun para kay Honey.

"Hmmmm.."Tila nilalasahan ni tita ng cake.Oo kinain nya agad."Black chocolate ang ginamit mo hija?"

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon