Milo.

622 16 0
                                    

Chris POV.

Late na ako sa school kaya nagmadali akong bumaba sa kotse at nagtatakbo papasok sa school hindi si papa ang naghatid sa'kin kundi ang driver lang namin.

"Thank you po."Sigaw ko pa at kumaway kay manong habang tumatakbo.

Hindi ko tuloy napansin ang tao sa harap ko. Ang ending naglanding kami sa lupa. Halos nakayakap ako sa likod nya. Sya naman naitukod ang kamay.

Napapikit na lang ako ng mariin. at ng maramdaman kong nasa sahig na kami dumilata ako.

Nagulat ako ng makitang lalake ang nabangga ko.At nakapatong ako sa likod nya.

"Shit ang bigat mo umalis ka na nga sa likod ko."Reklamo nito.

Teka kilala ko yung boses na yun ah.

Milo?

Dali dali akong tumayo at nagtatakbo na patungo sa classroom tutal naman ganun lang din ang ginawa nya sa'kin kahapon.

Hanggang sa.

"Aaaarrrraaaayyyy.."Nahilo yata ako sa tumama sa ulo..

Teka umiikot ba ang paligid ko ko?Feeling ko mawawalan na ako ng ulirat.Nahihilo ako.

"MILO!!"sigaw ng isng boses.

"Chris!!"Bago ako mawalan ng malay isang lalake ang umalalay sa'kin.

Bago ako mawalan ng ulirat nakita ko pa si Justin.

Shit!!!

black out!!!

-----------------

Milo's POV.

Badtrip late nanaman ako. Bwisit.Ba't kasi ang arte arte sa katawan ni Kuya Migo eh. To naman si papa ayaw pa akong ibili ng motor ng hindi ako nakikisabay kay kuya Migo.

Hayst...Asar!!Buti na lang maraming sexy dito.

Hahahaha.. Lalo na yung crush kong si Honey. Kaso off limits sa'kin si Honey.Hindi kasi sya yung tipong niloloko.

Hahahaha...Alam ko nga pati Si Gin kursunada si Honey eh.

Alam ko patay na patay kay Honey yun eh.

Teka!!!

Napatingin ako sa second floor.

Honey!!!!

Ng biglang may bumangga sa likod ko sa bilis nun at sa bigat idagdag pang nakatingala ako kay Honey nawalan ako ng balanse at napadapa sa sahig.

Badtrip!!

Ang sakit ang lakas ng lagapak ko.

Araw ko ba??

Pero teka...

teka...

Babae ang nakadapa sa likod ko at nakayapos sa'kin ngayon. Paanong hindi ko malalaman ramdam ko ang maliit na hinaharap nito sa likod ko.

Shit!!

Ba't parang pang lalake ang bigat nya??

"Shit ang bigat mo umalis ka na nga sa likod ko."Naiinis na sabi ko gustong gusto pa yata nya ang nakadapa sa likod ko.

Teka nga bakit kaya pamilyar yung amoy nito?

Naramdaman ko na lang na nagmamadali syang tumayo.

For my suprise tumayo sya at nagtatakbo.

Aba't wala man lang sinabi..Teka ano ba ginawa nya sa'kin kahapon?Ah oo..

Hinubad ko ang sapatos ko at mabilis na ibinato sa'kanya. Nanlaki ang mata ko ng tumama yun sa ulo nya.

Shit akala ko sa katawan nya lang tatama. Mabigat pa naman yung sapatos ko.

"Aaaaarrrrraaaayyyyy!!!"Daing nya at bigla syang parang nahilo.

"MILO"

Shit si Kuya.

"Chris"Si Justin na agad umalalay sa unti-unting bumagsak

Nagulat na lang ako ng piningot ako ni kuya.

"Anong ginawa mo??"galit na galit na sabi nito.

"Hindi ko...."

Tinanggal nya ang pagkakapingot sa'kin at binatukan ako.

"Hindi sinasadya?Binato mo?"

Napatingin ako sa walang malay na babae.Pinangko na ito ni Justin.

"Justin."Tawag ni Kuya Migo.

"Migo?"Tanong ni Justin na akma ng lalakad

"Si Milo na magdadala dyan hayaan mo sa'kanya si Chris kasalanan nya yan."

"Kuya ang bigat nyan!!"Reklamo ko.

Nakatikim nanaman ako ng batok.

"Bubuhatin mo o bibitbitin kita sa guidance?"Banta ni kuya.

"Pssss..."Lumapit ako kay Justin at kinuha ang babaeng ito.

"Tae na ang bigat!!!"Reklamo ko.

"Magdusa ka.Papasok na ako dalhin mo yan sa clinic masyado malakas ang pagkakatama ng sapatos mo."At tinalikuran na ako ni Kuya Migo.

Bwisit!!!

Bwisit!!!!

"Bakla ka kasi kuya Milo patola sa babae."Tatawa tawa pang sabi ni Miko na nilagpasan ako.

At narito din pala ang kutong lupang ito.

"Humanda ka sa'kin mamaya."Banta ko at dinala na ang matabang ito sa clinic.

Pssss...

Napatingin ako sa mukha ng babaeng karga ko.

Dalawang araw mo na ginugulo ang buhay ko!!!Nakakainis ka!!!

Pero infairness cute tong babaeng ito ah..

Hmmmmppp cute nga takaw disgrasya naman.At ang bigat pa.

Kunh sexy ka lang...

---------------------

A.n

Thank you LadyAzenette para sa unang unang like na nakuha ng I Love you Chris.

Gagawin ko ang lahat para makarelate lahat ng edad sa gagawin ko.

Let see their teen experience :)

Sa mga hindi pa po nakakabasa pakibasa po yung make love to me or just fuck me thanks.

****icefire20****

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon