Chris pOV.

338 8 5
                                    

Matapos ang pangyayari sa hindi nya pagpunta sa orphanage at pagpunta nya ng gabi samin.Bihira na kaming magkita.Madalas daw kasi syang busy.Yun din ang sinasabi nila tito.Pero tulad ko nagtataka din sila.

Ngayon nga Sampung araw na rin ang lumipas ng huli kaming magkita.Ito na ang pinakamatagal na di kami nagkikita..Madalas nakukontento na kami sa text.O baka sya..ako kasi feeling ko hindi ako masaya sa sitwasyon na'to.Natatakot din ako.Ayaw ko mang isipin hindi ko maiwasan.Ayaw kong isipin na baka matapos ang nangyari samin nagsasawa na sya.Pero may tiwala ako kay Milo.

Nasa pagmumuni muni ako habang nakalawit ang ulo ko sa dulo ng kama dahilan upang bakiktada ang tingin ko sa mga bagay.

Bigla namang nagring ang cellphone ko.

Nakaregister ang cellphone number ni Milo.Iniisip ko pa lang tumawag na.Ito talaga.Destiny siguro talaga kaming dalawa.

"Hello..Mahal?"Sagot ko agad.

"Mahal."Mukhang natuwa ang boses nya ng marinig ako.

"Bakit?"

"Mahal labas tayo mamaya."Pagyaya nito.

Nabibingi ba ako?Nagyayaba talaga syang lumabas kami?Himala after 10 days of being contented na kausap lang ako sa text naisipan ng isang 'to na yayain ako.

Napangiti ako.

"Mahal?"Mukhang naiinip sa paghihintay sa sagot ko.

"Sige mahal pasensya nabigla lang ako na nagyaya ka mahal.Akala ko kasi ayaw mo na akong makita."Pagsasabi nito.

"Bakit naman mahal?"

"Kasi natiis mo akong hindi makita ng 10 araw mahal akala ko hindi mo na ako mahal."Litanya ko ng sama ng loob.

Ilang segundong hindi nakasagot si Milo.

"Mahal?"Akala ko kasi wala na sya.

"Ganun ba ang pakiramdam mo mahal?"Naramdaman kong nalungkot ang boses ni Milo.

"Oo mahal.Nanibago lang siguru ako.Araw araw ka kasing nasamin."Totoo yun.Dito na talaga tambay si Milo sa bahay namin.Araw araw Kausap namin sya ni dad sa garden.Kahit na si dad ang madalas na kausap nya at nakikinig ako ayos na sa'kin yun.Kasi pagpumasok na si Dad sa bahay me and his time na yun.

"pasensya na mahal may inaayos kasi ako."Hinging paumanhin nito.

"Ayos lang mahal.Basta mamaya ah..Kita tayo.Susunduin mo ako mahal?"Napatayo na ako at ready ng maghanda ng outfit ko.

"Hindi na mahal magkita na lang tayo.May dadaanan din kasi ako."Sya.

"Ganun ba?"Nalungkot ako nagbago ba talaga si Milo?Noon kasi matik na susunduin nya ako at ipagpapaalam kay Dad.Ngayon magkikita na lang kami?It will be the first.Pero..its for a change..Anything change naman.And wala naman akong nakikitang mali sa change na'to.Sa ngayon..

"Okay Mahal saan tayo magkikita?"

"Sa paborito mo na lang na fastfoof malapit sa school mo."pagbibigay direksyon nito.

"okay what time?"Naghahanap na ako ng damit na isusuot.10 Days kong hindi nakasama ang mahal ko kaya talagang magpapaganda ako.Minus the make up thingy.Hate ni mahal ang make up eh..Mas gusto nya daw na simple lang ako.

"6pm Mahal."

"Okay.."Tinignan ko ang orasan.Alas kwatro na ng hapon.Enough time para makapaghanda ako.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon