Dinner

544 10 0
                                    

After 2 months.

"Sige tita ako na lang ang makikipag-usap sa president namin for sponsorship ng medical mission nyo."Tango ko habang nakikipag-usap sa skype kay tita Jane kasalukuyan syang nasa Singapore for a seminar.Tinatanong nya ako kung makukuha ko kaya ang Mikita's to sponsor our medical mission para sa pitong probinsyang hindi naabutan ng tulong medical ng gobyerno.Aminin natin,Mahina ang serbisyong medical dito sa'ting bansa.Kaya nga kadalasan namamtay ang isang tao ng hindi man lang natitignan.

"Sige Chris ah..Close naman kayo ng Alejandro."

Natigilan ako sa sinabi ni Tita Jane. Wala kasi si Tita Jane ng mangyari ang samin ni Milo.Umuwi naman sya pagtinatanong nya si Milo nangingiti lang ako.

Close???

Close pa nga ba ako sa'kanila?Kay Miko siguru dahil si Miko ang namamahala ngayon sa Mikita.

Oo matapos ang pagpupumilit ni Milo nakausapin ako hindi ko na sya nakita hindi kasi ako pumasok kinabukasan nun.Yun na pala ang last day nya at yun din ang day na pinakilala nya si Miko sa buong staff ng Mikita.

"Basta tita hindi ako mangangako ah. Anyway kung hindi ko man makuha ang sponsorship ng Mikita atleast gagawa ng paraan ang Chris and Derek designing company."Yun ang pangalan ng business namin ni Dick kung saan mga 1st class na tao ang kumukuha samin para magdesigns ng mga damit or gown pa nila. Ultimo sapatos ay nagdedesign kami ni Dick. Kami dib minsan ni Dick ang nanahi o kaya si Rachelle.Pero dahil busy kami ni Dick sa Mikita at di naman pwedeng isabaysabay ni Rachelle ang work.Nangontrata kami ng isang mananahi.Samin na galing ang material.

"Sige Chris.Basta give me a feedback ah."Natutuwa pang sabi ni tita Jane.

"Goodmorning Ms.Jane the seminar will start in 5 minutes."Narinig kong may nagsalita mula sa background.

"Chris. I'll see na lang pagdating ko dyan.Mauna na ako."Paalam ni tita.At nagflyinh kiss pa sa'kin.

"Okay Tita take care."Paalam ko.

Napatingin ako sa sketch pad ko.Maganda na ang simula ng Mikita. Itinatayo na rin ang independent branch ng Mikita.Maganda ang naging simula ni Milo sa negosyo nya.

"Hi Sis."Hinalikan ako sa pisngi ni Dick. Wala kami sa opisina ng Mikita ngayon.Parehas kaming nagleave ng two days upang pagbigyan ang mga costumer namin na busy ang sched at hindi kami maabutan sa oras namin ni Dick dito.

"Ang aga mo yata tahimik si Mike kagabi?"

"Um..um.."Ngiting ngiti pa ang loko at mukhang tuwang tuwa at kompleto ang tulog nya. Maselan kasi magbuntis at maglihi si Michaela kaya naman laging parang ngarag si Dick. Infairness kay Dick medyo nagiging lalake na sya kumilos.

"Oo nga pala Dick. Nagpapasponsor si Tita Jane sa Medical Mission na gagawin nya sa ilang probinsya daw na hindi naabot ng medical assistance  ng gov. Igrant kaya ni Miko?"

"Hihingin mo soponsorship ng Mikita?"Nag-aayos na rin sya ng working table nya.

"Oo.Kaso nagdadalwang isip ako kasi nahihiya ako kay Miko."

"Sus sis si Miko pa.Ang lakas mo kaya sa Alejandro brothers."

Inikot pa nito ang swilve chair nya upang mapaharap sa'kin.

"Tawagan mo na lang sya ngayon para malaman mo na ang sagot nila para makadelihensya tayo sa mga darating na costumer."

Tama nga naman sya marami pa namang darating na high profile na costumer namin bukas.

"Oo nga."Inangat ko ang telepono at dinial ang numero ng telepono ng opisina ni Miko.

Nagring iyon ng ilang beses.Katulad ko parang hinihintay ni Dick ang pagsagot ni Nicky sa telepono.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon