Milo's POV
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin."Nagulat ako na may luha sa mata nya. Kaya naman lumapit ako sa likod nya at niyakap sya mula doon.
"Please don't cry.I hate to see you crying."At hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa'kanya.
"Wala ka bang tiwala sa'kin na maiintindihan kita?Na ikaw ang paniniwalaan ko that time?Na magkasama natin haharapin yung problema na yun?"May galit at tampo ang boses nya.
Napangiti ako ng mapait..Sabay patong ng baba ko sa balikat nya at bahagya pang hinalikan ang leeg nya."May tiwala ako sayo.Wala akong tiwala sa sarili ko na mapoprotektahan kita kung sakaling may hindi magandang mangyari.At hindi ako nagkamali hindi ba?"
Yun ang pinaka malaking dahilan kung bakit mas pinili kong lumayo noon.
"Ano pang nangyari"Nagpunas sya ng luha."Gusto kong malama."
Ngumiti ako."Matapos noon.Lumayo ako kahit kayla papa. Gabi na ako umuuwi pagkagaling sa eskwelahan kaso madalas kaming magkasama ni Honey. Minamatyagan namin sila Gin.At pinagplanuhan ang gagawin.May mga time na hindi ako pumapasok para alalayan si Honey.Ginawa namin ni Honey lahat para sila mismo ang umamin sa kasalanang ginawa nila."Napangiti ako.
"Ng maibigay na namin yung ebidensyang na si Gin eh kasama sa gumahasa kay Honey ang akala ko ayos na."Tuwing naalala ko ang nangyaring yun para ba akong kinikilabutan.
"Anong nangyari?"Nahawa na yata ang mahal ko sa'kin.Wala ng pasensya sa paghihintay.
--------------
"Tapos na.."Napangiti ng mapait si Honey.Napangiti din ako. Kagagaling lang namin sa presinto at pauwi na tapos na ang laban namin kay Gin at sa mga walanghiyang kaibigan nya.
"Honey."Naglakas na ako ng loob na yayain sya sa hospital at sa unang pagkakataon ay makita nya si Loki.
Noong nagpaliwanag ako sa'kanya sa nangyari.Ipinakausap ko lang si Loki sa'kanya upang maniwala sya. Itinago ko ang kalagayan ni Loki.Pibakiusap ko na wag muna idawit si Loki.
"Ummm?"Tumingin sya sa'kin na para bang pagod na pagod.
"Gusto ko sanang dalhin ka kung nasaan ngayon si Loki."Malungkot na sabi ko.Nakita ko ang dagling pag-alinlangan sa mukha nya.
Hindi man ginusto ni Loki.Naroon pa rin yung katotohanan na isa sya sa nagsamantala kay Honey.
"Please..Honey tinulungan naman nya tayo para maayos natin ang buhay natin."
Ngumiti sya bahagya pero may something sa ngiti nya na hindi ko maipaliwanag. Sabay tango.
"Magkita na lang tayo mamayang 4:00 dadaanan ko lang sila Inay at Mikai."Paalam nito.
"Sige saan tayo magkikita?"Tanong ko.
"Dito na lang din."Sagot nito.Tamang tama dahil isang sakay na lang naman dito ang hospital na kinaroroonan ni Loki. Hindi alam ni Honey na nasa hospital si Loki.Ayaw kong malaman nya ang tunay naming sitwasyon noon.
Nabalitaan kong ng gabing ginahasa sya ay syang gabi din na namatay ang nanay at anak nya. Oo nagka-anak pala sila ni Justin.Totoo pala ang kumalat na balitang buntis sya.Kaya pala noong nakita ko sya sa subdivision noon hinimitay sya.Ang akala ko hinimatay sya dahil nagulat sya na for sale na ang bahay nila Justin.Napakagaling nyang magtago kaya hindi namin nalaman.Nagulat pa talaga ako ng sabihin nya yun ng minsang kailangan namin magkasamang matulog.Naawa ako sa'kanya ng gabing iyon.Yun din ang gabi na nagpatibay sa relasyon naming dalawa.

BINABASA MO ANG
I love you Chris
Roman d'amourFrom kontra bida to Bida Chris Lauren of In times. Nahanap na kaya ni Chris yung taonv nakalaan sa'kanya?Yung taong rason kung bakit hindi pinayagan ng langit ang relasyon nila ni Justin? Malaman kaya ni Chris ang dahilan ng lahat ng nangyari sa bu...