Too late..

330 11 2
                                    

Milo's POv.

Puro ulap na ang nakikita ko.Ang akala ko matagal pa bago ako makadalaw muli kayla lola at lolo pero mukhang hindi.Lumabas na sa Philippine teritory ang eroplano.

Napasandal ako sa headrest at napapikit.Ilang araw kong hindi nakita si Chris tapos umalis ako ng hindi nagpapaalam.Masakit pero alam kong ito ang dapat.

Napatingin ako sa brown envelope na binigay ni Nicky.May nakalagay pang confidential for Mr.Emilio Alejandro only sulat kamay ni Nicky.Mahalagang documents daw yun na hindi pwedeng ipaubaya kayla kuya Migo at Miko.Ewan ko ang weird ni Nicky kanina ng mapunta ako sa opisina.Dahil sa wala ako sa mood na magbasa ng documents kanina binitbit ko na lang ito dito upang malibang ako sa byahe.

Mabuksan na nga lang at ng hindi kung anu-ano ang iniisip ko.

Pagbukas ko.Nangunot ang noo ko isang kulay dilaw na envelope ang nanduon.Luma na iyon.Pamilyar sa'kin ito hindi ko lang alam kung saan ko nakita.

Ito lang ba ang laman ng folder?Akala ko ba mahalagang documents?Bakit nilagay pa sa envelope eh nasa envelope na nga.

Kinuha ko na at halos mangilo ako sa nabasa ko.

"To:Justin Perez,From Chris Lauren"

Ito yung???

Ito yung sulat ni Chris kay Justin na itinapon sa basurahan ni Justin hindi ba?Bakit na kay Nicky?Hindi kaya binigay ni Chris?

Inikot ko ang sulat at napangiti sa nakasulat doon.Sa tinta ng ballpen mukhang kakasulat lang doon.

P.s.

Para sayo na'to Mr. Alejandro gamot sa sakit mo :)

Agad kong binuksan.

Isang lilac scent paper ang nasa loob.

Sulat kamay ni Chris.Bakit nya ito ibinigay?Para lalo akong saktan pero ang sabi nya gamot sa sakit ko.

Justin,

       Hi,I know nagtataka ka kung bakit ako sumulat sayo.Medyo nakakahiya nga eh sana mabasa man 'to ni Honey wag syang magalit sa'kin.Napasubo lang ako sa pustahan namin ng kaibigan ko.Isa pa may nagmamasid sa'king spy nya habang ibinibigay ko ito sayo.Nagpustahan kasi kaming sasabihin namin sa taong mahal namin na mahal namin sya.

Pero...Nagsinungaling ako sa'kanya na ikaw ang mahal ko.Gusto kita oo noon ang akala ko pa nga inlove ako sayo.Pero...Sa ngayon may isang lalakeng laging gumugulo sa isip ko at hindi ikaw yun.Sayo ko lang ibinigay ang sulat na'to dahil...Hindi ko kayang aminin sa sarili ko at sa kapustahan ko na nahulog na ako sa lalakeng yun.Yung lalakeng mahal ko ibang iba sayo.Mainitin ang ulo nya,Parati nya akong sinusupladuhan pero..Lagi syang nandyan para sa'kin hindi ko alam kung paano nyang nagagawa iyon.Hahahaha..Noon kumakabog ang dibdib ko paglumalapit ka sa'kin pero sya??Iba yung pakiramdam pag nandyan sya hindi kabog ng dibdib ang nararamdaman ko.Napapayapa ako pag nandyan sya...Kahit na tshirt ang binigay nya sa'kin ng umiiyak ako at hindi panyo.Kahit na imbes na tubig eh coke..Alam ko mahal ko na sya at hindi ko kayang aminin yun sa ibang tao at sa sarili ko.Kaya pasensya na kung ikaw ang naging dummy ko para sa pustahan..

Sorry and thank you....

                                    Chris.

P.s

Ngayon sana malinaw na.MAHAL.

Napatingin ako sa bintana ng eroplano..

Napangiti ako ng mapait...

Nahuli na ng sulat na'to.

Pinunasan ko ng luhang tumulo sa'kin.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon