Ikaw Lamang

733 16 5
                                    

Chris POV.

Nakatitig ako sa baso ng alak na nasa harap ko.Isang linggo na ang lumipas.

Isang linggo kong pinilit ang mga taong nakakaalam kung nasaan si Milo pero iisa lang ang sinabi nila.Ayaw ni Milong malaman ko kung nasaan sya.

Inikot ko ang isang daliri ko sa bunganga ng baso at dahan dahang inulit ulit yun habang nag-iisip.

Panaka naka'y pinupunasan ko ang luhang nakakapuslit sa mata ko.

Ano bang nangyari?Parang ang bilis ng pangyayari.Parang kailan lang kasama ko pa sya sa loob ng tatlong araw na malayo sa gulo ng totoong buhay pagkatapos..Ngayon halos kalahating buwan na kaming hindi nagkikita.Ni ang makausap man lang sya hindi ko alam kung paanong gagawin.Parang iniwan akong naka"hang" iniwan akong nag-iisa.

Uminom ako at muling ibinaba ang baso.Tumingin ako sa stage ng bar nagkakasiyahan ang mga kumakanta hindi ako makaramdam ng kahit konting pagkalibang.Kahit konting katuwaan.

Tutungga na sana muli ako sa baso ng tumunog ang cellphone kong nasa tabi lamang ng baso.

Si Derek.

Ang tagal ni Derek. Sya pa naman ang nagsabing dito na kami magkita.Nasaan na kaya 'to?Ang usapan namin Ten anong petsa na.

[ Sis(00:30)

    sis sorry naipit ako sa traffic.Within 30 mins nandyan na ako promise.]

hay naman si Derek.

[Me(00:31)

      k,Lasing na yata ako.]

At umorder pa ng isa sa waiter.

Feeling ko tinatamaan na ako sa ininom ko.

Magcc-r nga muna ako.Nag-ayos lang ako ng sarili ko at naghilamos upang mawala ng konti ang tama ng iniinom ko.

Paglabas ko ng CR nagulat pa ako ng isang lamesa na lang ang may tao.Matagal ba ako sa banyo at nawala ang mga tao?Wala na rin ang banda at tanging malamyos na lang na tugtog ang pumapailanlang sa bar.Medyo dumilim na din.

May dumaang waiter sa harap ko.

"Excuse me.What happened?"Actually blanco talaga ang isip ko.

"Ay ma'am may pest control po kasi ngayon kaya maaga kaming magsasara."Pagbibigay alam ng waiter.

"Ohhhh.."Sabi ko.Agad naman akong bumalik sa pwesto ko at tinawag ang waiter na nandun.

"Excuse me"Tumingin ako sa pangalang nasa nameplate nito" Ivan pabillout"Yun kasi ang name na nasa nametag nya.

"Okay po ma'am."At umalis na sa harap ko si Ivan.Yung natitirang barkada sa loob ng bar nagbills out na din.

[Sis(1:00)

     God where are you there is a pest control now here so the bar will close early than the usual.Lets meet to my condo.I'm out of here.]

Inis kong text.First time akong pinaghintay ni Derek ng ganito katagal.

Ilang minuto nagulat ako ng nauna pang tumayo sa'kin yung magbabarkada.

"Excuse me ma'am ito na po yung bill nyo."May dumating din namang agad na waiter sa unahan ko.Agad akong nagbayad ng bill.

"Keep the change" At tumayo na ako nauna ng nakaalis ang magbrakada kaya ako na lang ang nahuling tao sa loob.

Lalabas na ako ng humarang ang guard nila.

"Sorry po ma'am."

Tumaas ang kilay ko.

"Excuse me?May kailangan ka?"Okay wala akong balak makipaglokohan at nahihilo na ako sa inimon ko.Plus broken hearted ako okay??

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon