Chris Flashback.

386 7 0
                                    

Chris POV.

Katulad ng una koyang makita muli.Hindi ko maisuksok ang susi sa ignation ng kotse ko.Nanginginig ang buo kong katawan.Ayaw ko mang aminin pero...

Nainis ako ng makitang may kalampungan syang babae sa opisina nya when he gave me a suprise.Suprise na nagpapapaalala ng masaya naming nakaraan.

Nakaraan na isa isa ng bumabaha sa alaalala ko.

Packing tape ka Milo.

Pinukpok ko ang manibela atsaka yumukyok doon.Pumikit ako at tahimik na nagpaubaya na sa mga alaalang nagpupumilit sa utak ko.

(((((Flashback))))

Matapos ang isang buwang panunuyo at pambobola sa'kin.

"Dad.Okay na kayang magkaboyfriend ako."Open ko sa'kanila habang kumakain kami.Hos masamid si Dad sa tanong ko.

"Dad."Inis kong sabi."Si ate naman 3rd year lang may boyfriend na."Lumabi pa ako.

Napatingin naman ng masama sa'kin si Ateat along nagulat si Dad.

"Chris.."

"You did?" sabay pa nilang sabi ni Dad.

Nanalaki ang mata ko.Hindi kaya???

"Oh God hindi mo alam dad?"Nashock ako ang buong akala ko kasi alam nya.

"Pahamak ka."Inirapan ako ni ate.

Nagulat kami ng tumawa si dad.

"It's okay Chris and Ella.Panatag ang loob ko ma alam nyo na ang dapat at hindi dapat.Isa pa regarding sa tanong mo Chris.I know Milo is a goodman. Alam kong may respeto sya sayo."

"Paano nyo naman po nasabi Dad."Tanong ko kahit ang totoo pumapapalakpak ang tainga ko sa naririnig ko.

"Because he ask me permission to court you."Ngiti ni Dad.At ikaw Ella kung mayroon ka ngayon ipakilala mo na."Naiiling pang sabi ni Dad."Mga dalaga na talaga ang anak ko."

------------------

"Saan tayo pupunta?"Tanong ko sa'kanya habang naka-angkas ako sa bisikleta nya.Nasa loob lang kami ng subdivision.

"Tssss...Ba't ba tanong ka ng tanong?"At nagsungit nanaman sya.Sa lahat ng manliligaw si Milo ang hindi man lang marunong ng pakitang tao.

"Ang sungit mo."Inis kong sabi.

"Eh kasi tanong ka ng tanong.Ako ba nagtatanong ng nagtatanong sayo kung kailan mo ako sasagutin?"Parang babae talaga ang isang 'to kung makapagreklamo.

"Eh di wag ka ng magtanong eh di tayo na."Naipreno ng malakas ni Milo ang bike at halos sumubsuob ako sa manibela."Ano ka ba?Kung pwede lang dahan dahan sa pagpreno."Inis kong sabi.

Isang buwan akong sinuyo ni Milo.Alam kong maiksi ang panahong iyon kumpara sa normal na ligawan.Pero sa panahong iyon walang itinago si Milo sa'kin.Nakilala ko ng husto ang pamilya nya at kaibigan.Ganun din naman sya samin.

Halos araw araw may bago akong teddy bear lalo na't nalaman nyang mahilig ako sa teddy bear.

Hindi pa man nanliligaw sa'kin si Milo nararamdaman ko ng espesyal sya sa'akin.Hindi ko lang ma-amin dahil madalas nga kaming magbangayan.

"Wag ka kasing nangbibigla."Nagtaray nanaman sya.Pero nakikita kong pulang pula ang mukha nya.

"Ganun?Ikaw pa ngayon ang masungit?"Tumayo ako at tinabig ang kamay nya."Bahala ka sa buhay mo."At nagsimula akong maglakad pabalik sa bahay namin.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon