Anong nasa isip mo?

294 9 0
                                    

Milo's POV

Ilang araw na kaming nakabalik pero yung kapraningan ko di pa rin nawawala.Madalas akong sitahin ni Chris dahil madalas daw na malalim ang iniisip ko natatakot daw sya dahil ganun din daw ako bago ako nawala ulit.

"Eh ano ba kasi yang pinagkakapraningan mo?"Si Dial.

Dinalaw namin ni Loki sila Dial sa bago nilang bahay.Wala la dawi kuya sa bahay pero on the way na daw.Oo nga pala kasal na nga pala sila Isang linggo na. Ikinasal sila ilang araw bago kami nagjoyride ni Chris.

"Naku yun nga ng nagjoyride daw sila ni Chris nakwento ni Chris yung beach wedding proposal ni Justin."Si Loki na abala sa pagbabaliktad ng liempo sa ihawan.Nasa poolside kami ng bahay nila at umiinom syempre hindi si Dial.

"oh ano ngayon?"Pagsusungit ni buntis.

"Eh baka kaya nya ako niyaya dun para magreminisce.."Para akong kawawang aso sa dalawa.

"ummmm."

"Aray!!"Pinukpok ako ni Loki ng tong na gamit nya sa pagbabaliktad."Bakit ba?"Inis kong sabi.Pwede kaming magsama samang tatlo dahil parehas kaming "naka-sungit mode" ( sabi nga ni Chris) pagmagkakasama.

"Diba sinabi nya naman sayo na gusto nya panuorin nyo yung sunset"Nanlalaki pa ang tsinitong mata ni Loki na muntik ng mabulag nila Gin.

"Tssss.. ayun naman pala arte arte."Si Dial na dumutdot ng taba sa liempo.

Hampasin ko nga ang kamay.

"Aray bakit ba?"Angil nito sa'kin.At hinimas Himas ang kamay."Inaano ba kita?"

"Wala lang para makabawi ako sa paghampas sakin ni Loki ng tong."Tawa ko.

"Hindi naman ako yun si Loki yun ah."Inis na sabi ni Dial akmang kukuha ulit pero hinampas ko ulit sya.

Hanggang sa nakaramdam na ako ng kutos sa ulo.

"ARAY!!!"Galit na galit pa kong tumingin kay Loki.Na may nginunguso sa likod ko.

Pagtingin ko si Kuya Migo na madalim na madilim na ang mukha.

"Dalawang beses mong sinaktan ang misis ko.Hindi ko nga sinasaktan yan eh."

"Eh kumukuha ng ta..."Hindi pa ako tapos magsalita ng

"Aray!!"Si Dial nanaman.Ngayon si kuya na ang humampas sa kamay nya.

"See.."Kinutasan nanaman ako ni Kuya"Awww. nakakarami ka na."banta ko.

"Wala ka pa rin karapatang saktan ang asawa ko."Hindi bagay kay kuya ang serious mode

"Bestfriend ko yan para ipaalala ko sayo."Inis kong sabi.

"Hahahahaha.. Para kayong mga bata."Si Loki.Na maya maya lang nakatikim na ng kutos kay kuya.

"Owww.."Haba ng nguso ni loko.

"Wala kang karapatang saktan ang kapatid ko."

Yung totoo??Feeling ko trip lang talaga ni kuyang mangutos ngayon.

"bestfriend ko yan para ipaalala ko sayo."Ginaya pa ni Loki ang tono ko.

"Tssss.. mga siraulo."Si Dial.

"Oh bakit nandito ka Milo?"Takang tanong ni Kuya.Kararating lang kasi nito galing trabaho.Parang biglang balewala lang ang pagkutos kutos samin ah.

At bago pa ako makapag-explain nag-explain na sa'kanya ang mga bestfriend ko.

"Oh ngayon?Bakit ka napapraning eh manunuod lang pala ng sunset.Past na yun beach wedding proposal na yun."Tinanggal ni kuya ang polo nya at inabot kay Dial.Nagbukas ng beer at uminom.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon