The reason behind

300 9 0
                                    

Milo's POV.

Nasa veranda kami ng bahay ko at nakatanaw sa mga ilaw na makikita doon.Medyo maalinsangan ang panahon ngunit kahit papaano mahangin sa kinatatayuan namin.

"So Milo."Nilingon nya ako.Lumingon naman ako at ngumiti.

"Yes?"

"Seven years ago."Seryoso na ng mukha ni Chris. Parang naghahanda sa sasabihin."Anong nangyari sa'tin?May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"Lumambot ang ekspresyon ng mata nito.

Hindi ko kayang salubungin ang tingin nya kaya tumingin ako sa malayo saka ngumiti bago nagsalita.

"Wala kang kasalanan sa nangyari Chris. Natakot lang akong madamay ka sa gulo ng buhay ko."Napahawak ako bigla sa braso ko.Kung saan naroon ang pilat ng tama ng baril.Ngayon may bago nanaman sa likod.

"Pero tahimik ang buhay mo noon.Your doing fine."Nangunot ang noo nito.

Napangisi ako."Yeah..Yun din ang akala ko."Yun naman talaga ang akala ko."Ang akala ko maayos lahat sa buhay ko.Masayang pamilya,maayos na pag-aaral,may maganda sexy mabait at mahal kong Girlfriend pero isang araw...

"Pa aalis na ako."Paalam ko kay papa. May duty kami ngayon ni Chris sa orphanage. Excited na nga ako.Pag ganitong araw lagi akong excited para kasi kaming nagbabahay-bahayan ni Chris tapos may lima pa kaming anak.

"Teka Milo."Hinawakan ako sa balikat ni Papa at nangunot ang noo.

Ganito ang itsura ni Papa noong nadisgrasya ako sa motor.

"Mag-iingat ka."Nakakunot pa din ang noo.

Bigla tuloy akong kinilabutan.

"Ummm."Tumango ako at kinuha ang kamay ni papa at inabot ang susi ng motor ni kuya Migo na hiniram ko kanina."Hindi na po ako magmomotor papa magcocommute na lang po ako."Pagpapanatag ko sa loob nya.Naningkit naman ang mata ni Papa.

"Ihatid na kaya kita?"Hindi talaga sya mapanatag.

Napangiti ako.

"ummmm.Sige papa."Wala naman mawawala sa'kin kung ihahatid nya ako.Hindi naman mababawasan ang pagkalalake ko.

"sige saglit."

Naghintay lang ako ng ilang minuto at nakasakay na kami sa
kotse ni papa. Masarap ang kwentuhan namin ng parehas mangunot ang noo namin na para bang may nagkakagulong mga kapitbahay sa bakanteng lote.May ambulansya pa nga..Hinintuan ni papa ang isa sa mga kakilala naming kapitbahay.

"Pre anong meron?"Binaba ni Papa ang bintana upang magtanong.

"May duguang binatilyo dyan sa bakanteng lote.Nakita ng guard."Iilinh iling pang sabi ni Kuya Whayne.

Bigla na lamang nanlamig ang kamay at paa ko ng makita ko ang isang binata na nakahiga sa stretcher.

"Loki..."Buti na lang at mabagal ang takbo ni papa at mabilis akobg bumaba.

"Milo."Sigaw ni papa.

Dirediretso kong hinawi ang mga tao at nagmamadaling hinabol ang isinasakay na lalake.

"Loki.."Hawak ko sa braso nya. Kahit ganito ang itsura nya sigurado akong si Loki ang lalake. Bata pa lang bestfriend ko na si Loki kay napaka-impossibleng di ko sya makilala.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong maluha sa itsura ng taong tinuring ko ng kapatid.

Magang maga ang dalawang mata nito kulay violet iyon may dugo at halos di maimulat. Ang damit nya ay puno ng dugo ang tuhod at braso nya ay tila pilay.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon