Love letter

476 11 0
                                    

Milo's POV.

Maganda ang pagkakaupo ko sa paborito kong puno ng ano man ito. Tamang nakikinig lang ng music at nagbabasa ng comics. Tamang nagpapahangin na rin. Bukas last examination na namin. Gragraduate na sila Kuya at Chris.

Ang bilis din talaga ng panahon. I was ask to take an acceleration test but I refuse it.Alam kong marami pa akong dapat matutunan sa especially that history na ng asia ang pag-aaralan namin next year.

Masarap mabuhay lalo na kung hindi ka nagmamadali yun ang natutunan ko ng madisgrasya ako.

"Hay..."Nag-unat pa ako at sumandal sa puno.Mainit init ang hanging dumadampi sa balat ko. Summer na kasi swerte nga ngayon at hindi ako pinagkaitan ng hangin.

Magbabasa na sana ulit ako ng may tumabi sa'kin at tinanggal ang earphone sa tainga ko.

"Sarap ng buhay ah sarap talaga pag matalino eh noh?"

"Tsssss... Ba't nandito ka."Inis kong sabi.Tahimik ako eh.. Natense tuloy ako ng dumating 'tong isang 'to.

"Nakita kasi kita nag-iisa mukha kang tanga kaya nilapitan kita."Inagaw pa ang Comics na binabasa ko.

Mukha daw akong tanga?Ba't yung iba sabi ang cool ko daw tignan 'tong isang 'to talaga panira ng trip minsan sa buhay.

"Alam mo kung nagrereview ka malamang ikaw ang rank 1."Binuklat na ang comics kaya inagaw ko. Something written inside that comics.

"Wag mo nga pinakikielamanan. ang gamit ko.At para sa kaalaman mo Ms. Chris Lauren,hindi ako pumasok sa school para sa grade pumasok ako sa school para matuto okay?Wala akong pakialam sa mga ranking na yan. Kaya sige.. "Sumenyas pa ako ng pagpapalayo sa'kanya."Lubayan mo ako."isususot ko na sana ang earphone ko ng bigla nyang pigilan ang kamay ko."What???"Inis inisan kong sabi.

"May ihihingi sana kasi akong advise."Sabay tingin sa malayo.

"At kailan pa ako naging advicer  mo?"

"Eh di kung ayaw mo di wag.."patayo na sya ng hilahin ko.

"Sige na andito ka na may magagawa pa ba ako ano ba yun?"Tuluyan ko ng pinatay ang pinakikinggan ko.

"May deal kasi kami ng kaibigan ko. Kailangan naming masabi sa taong mahal namin na mahal namin sya. Sya yata nagsabi na ako na lang ang hinihintay nya."Nilaro laro pa nito ang kamay na nakapatong sa mga hita.

"Ako ba ang tinutukoy mo?"Hell no.. Alam ko naman kasi na hindi ako ang tinutukoy nya. I just wanna lighten up the mood. Atsaka sige medyo hopping din ako.

Pero alam ko naman kung sino eh.

Napatingin sya sa'kin at tila ba nagguluhan.Namula pa nga ang mga pisngi nya.Sa ganung reaksyon hindi ko mapigilang hindi mag-isip na baka kahit konti may epekto ako sa babaeng manhid na 'to.

"Asaness ka."Sabay tingin muli sa field."Si Justin ang tinutukoy ko."

Ouch....

Kahit nahihimigan ko ng pagdadalawang isip ang pagbanggit nya sa pangalan ni Justin para pa ring binoboxing ni Manny Pacqiao na isinama pa si Mommy D ang puso ko.

"Oh ano ang kinalaman ko sa problema mo?"Eh hindi naman ako si justin??

"diba nga nanghihingi ako ng payo??"May diin pa sa salitang payo ang isang 'to pwede ba ako magpayo ng hindi nagiging bias??

"Oo na pero ipagbake mo ako ng cake mamaya.Tas dalhin mo sa bahay."Ayoko magbigay ng payo ng libre lalo na at labag sa loob ko ang gagawing pagpapayo.

"oo na.. O ano sa tingin mo sasabihin ko ba o hindi?"

Dumukot ako sa bulsa ko atsaka naglabas ng baryang nakuha ko.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon