Lagnat.

439 3 0
                                    

Chris POv.

"Bakit parang ang ganda ganda ng aura mo this day."Si Dick na nagdadrive.Napagpasyahan namin kumain sa labas. At dahil tinatamad akong magdrive ng kotse ko kotse ni Dick ang ginamit namin.

"Talaga."Tumingin pa ako sa sidemirror at ngumiti ng pagkaganda ganda.

Paanong hindi aaliwalas ang mukha ko eh hindi ko nakita ngayong umaga si Milo inaasahan ko pa naman ang meeting sa'kanya para sa feedback ng pinasa naming presentation ni Dick.

"Oo"

"Well bukod sa hindi ko nakita ngayong umaga si Milo tiwala akong magugustuhan na nya ang designs natin ngayon."Tiwala ako dahil maganda ang ginawa naming designs kahit ako I want to have it for myself.

"Hay naku sana lang kasi."Lumingon pa ito sa'kin."Look sis ang laki na ng eyebag ko kasi sa gabi na lang kami nagkikita ng boyfriend ko ang sungit sungit pa naman at ang daming hinihingi."Huminga pa ng malalim.

"Si Mike masungit?Bakit naman?Bumalik na ba sa bahay mo si Mike?"Gulat kong sabi. Wala kasi akong nababalitaan na bumalik na si Mike sa bahay nya.Simula ng maghiwalay sila at magkabalikan muli.

"Um.."

Si Mike ang tomboy na karelasyon ni Dick mula ng college kami.Si Michaela o Mike pa nga ang nanligaw kay Dick noon.

Gosh.. Nakakastress..Buti pa sila magkasama na ulit sa bahay. Eh kami ni Justin never na mangyayari kahit ang makitulog lang ako sa bahay nya..

Oh Gosh Chris magmove on ka nga kay Justin lagi na lang bang sya ang iisipin mo?

May asawa na si Justin. Magkaka-anak na nga diba?Ikaw ang kontrabida sa fairytale nila ni Honey. Ang ambisyosa mo kasing kontrabida ang akala mo Ikaw ang bida.

"Oh kung saan ka nanaman nakarating."Pumitik pa sa harapan ko

"Ah wala lang bakit bumalik na yata sa bahay mo?Bakit? Lalake ka na ba?Atsaka bakit naman ang daming hinihingi ni Mike"Sinabayan ko pa ng tawa.Pero sa totoo lang lately napapansin kong nag-iiba na ang kilos ni Dick.

"Kailangan ko na yata magpakalalake Sis"

Teka nabibingi ba ako?

Si Dick?Na nakilala kong bakla nababalak na maging lalake?Anyare??

"Wag ka nga magjoke dyan."Hindi ko talaga napigilang matawa ng malakas.Seriously..Si Dick nagbabalak?Maging lalake??

Is it real??

Is it real???

"Magkaka-anak na kami ni Michaela."

"WHHHHHHHHHAAAAAAAAT?"Feeling ko lumuwa ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Yes sis magiging tita ka na."Ngiti pa nito.

" teka may camera ba dito?"Nilingon lingon ko pa ang ulo ko at tinignan ang mga nasa sasakyan."Ikaw ah.. Pati wow mali pinapatos mo ah."Natatawang sabi ko.

Huminga ito ng malalim."Sis mamanhikan na kami mamaya nila mama kayla Michaela."

"Dick tigilan mo na yan."Natatawa pa rin ako.Siraulo 'to ang ganda ng joke.

"Naku Sis. Oh ito."May inilabas na something mula sa kung saan.

Of course I know this thing ginamit kong props to dati sa pang-gugulo kayla Justin at Honey.

"Dick bumenta na yang tricks na yan."Pero kinuha ko yung pregnancy test na ibinigay nya sa'kin at talaga nga namang positive yun."Ninakaw mo din 'to dun sa clinic ni Dubby nuh?"Si Dubby ang ob ko na kinuhaan ko ng pregnancy test na ginamit ko kay Justin noon.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon