Coke in can

558 14 0
                                    

Chris POV.

Nagtataka ako kung bakit may iba yatang kotse sa bahay.Papasok pa lang ang kotse ni ate Ella kung saan ako nakasakay.May kotse na sya dahil nasa college na sya.Sya ang sumundo sa'kin dahil ginabi na ako ng uwi. Nagkaroon kasi ng meeting ang club na sinalihan ko.

"Ate may tao?"Nagtatakang tanong ko.

Nagkibit balikat lang ito at tila nagtataka nga kung kaninong sasakyan ang nakaparada sa garahe ng bahay namin.

Ng makapasok na at sinalubong kami ng mga yaya namin.

"Ya may bisita?"Tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit naging ilag ang mata ni yaya sa'kin pero hindi ko gusto ang pinahihiwatig nun. Isa lang ang ibig sabihin hindi ko magugustuhan ang bisita.

Kinuha na ng mga yaya namin ang gamit namin. Kami naman ni Ate Ella dumiretso na sa loob.

"Mga hija."Magandang bati samin ni Daddy na tumayo sa pagkaka-upo mula sa sofa kung saan may katabi syang napakagandang babae.

Hindi ako kumibo I just look at my father. Si ate naman humalik sa pisngi nya.

"Hi Dad."si Ate.

Ayoko na ng tinatakbo ng isip ko. Napanood ko na 'to sa mga teledrama.

"Magdinner tayo sa labas ngayon. We're just waiting for you guys."At nilingon pa nito ang babae na lalong gumanda ng ngumiti.

"Napapagod po ako kayo na lang."Walang ganang sabi ko.

"Chris?"Medyo na-upset yata si Daddy sa ginawa ko.

Tinignan ko lang sya at nagdirediretso na ako sa hagdan.

"Teka lang."Hinigit ako ni dad sa kamay."If you're not comming with us. Let me intorduce you Jane my..."

"Your girlfriend?No need to introduce her infact?Im not interested."Bastos na kung bastos pero ilang beses pa bang magiging insensitive sya sa feelings namin?

No one can replace my Mom.

Wala ng nasabi si Dad dahil nagdirediretso na ako kwarto ko.

Akala ko hinayaan lang ni dad ang ginawa kong kabastusan I was shocked when he open the door in my room.

"What was that?"Mahina ngunit pulang pula sa galit na sabi nito.

I  admit natatakot ako pero ayoko ipakita sa'kanya yun. Dahil pag ipinakita ko yun sa'kanya he will be happy cause he can still affect me. Hell yes he can Affects me he's my father remember.I still respect him pero hindi katulad ng dati.

"What do you mean?"Walang reasyong sabi ko at tinanggal ang coat at neck tie ng uniform ko.

"Bakit binastos mo si Jane?"

Humarap ako sa'kanya at Tumaas ang kilay ko.

"I didn't."Inis na sabi ko.

"You did."Sigaw na ni dad.

Biglang pumasok ang sinabi sa'kin kanina lang ng antipatikong si Milo.

"Hindi ako manlalait. Iba ang manlalait sa prangka."

"Hindi ko sya binastos dad. Iba ang pangbabastos sa pagiging prangka."

Thanks Milo for the line.

"Ano?"Kitang kita sa mukha nito ang galit."Hanggang kailan mo ako babastusin bata ka?Nagtitimpi na lang ko sayo."

Hindi ko mapigilang mapangisi.

"Hanggang kailan mo babastusin ang alaala ni Mom dad."Hindi ko napigilang masabi.

What he does is to much. And I didn't expect that he will do more.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon