Vegetable salad

627 13 0
                                        

Chris POV.

Huh??

Pikit...

Dilat....

pikit....

dilat....

Nasan ako?

"Hay salamat at gising ka na."

Huh?

Napatingin ako sa lalakeng nakaupo reclining chair na nasa tabi ng hospital bed na pinaghihigaan ko.

Oo Shala ang school namin. Why not??Exclusive school 'to talagang mga mayayaman lang ang nakakapasok kung hindi mayaman matalino. Pero wala pa akong nababalitaang mahirap dito. Dahil lahat ng matalino dito puro galing sa mayamang pamilya pa rin. Yung iba sa karatig bayan at probinsya pa galing.

Walang reaksyon ang gwapo nitong mukha.

Teka gwapo ba ang sabi ko??

Pwwweee..

Nakatingin lang sya sa'kin habang may nakasalpak na earphone sa tainga nya.

"Anong ginagawa mo dito?"Inis na sabi ko at biglang bumangon.

"Ano?"Tinanggal nito ang earplug sa tainga nito.

"Anong ginagawa mo dito?"Ulit ko sa tanong ko.

Ang naalala ko si Justin ang sumalo sa'kin.

"Pinilit ako ng Kuya ko na dalhin ka dito."

Aba't di man lang nagpakitang tao ang isang 'to ah.Napakastraight forward ng isang ito.

"at bakit ka naman pipilitin ng kuya mo?Atsaka nasan si Justin?"

"Pssss... Malamang ako ang nagdala sayo dito kaya wala dito si Justin."Nangunot tuloy ang noo ko.Nuh ba problema nito ba't ang sungit

Oo nga pala pinilit nga lang pala sya ng kuya nya na ihatid ako dito. Pero di ba si Justin ang sumalo sa'kin kanina.Feeling ko pa nga lumakas ang tibok ng puso ko ng saluhin nya ako.

Hala ka..

Teka balik sa nakakainis na si Milo.

"Bakit naman ikaw ang inutusan ng kuya mong magdala sa'kin?Close ba tayo?"Irap ko sa'kanya.

"Hindi."Ibinalik nya ang tingin sa screen ng cellphone nya."Close kayo ng sapatos ko."Napangisi pa ang loko.

Teka sapatos??

Paano naman kami magiging close ng sapatos nya?

Hindi kaya???

"Sira ulo ka!!!"Bigla kong sigaw ng mapagtanto ang koneksyon ko sa sapatos nya.

"Sayo ko natutunan yun kaya mas sira ulo ka"Tumayo ito at kinuha ang backbag nya at backbag ko sa tabi nya.

"May gentleness pa bang natitira dyan sa katawan mo?"Inis na inis na sabi ko.Bakit ba ang bastos ng bibig ng lalakeng ito?

"meron pero exclusively for sexy girls!!Pasexy ka muna para makita mo"Tumawa pa ang gago at naglakad na, ni hindi man lang ako tinanong kung okay na ako."Classmate mo si Kuya Migo diba?Dun ko na dadalhin bag mo bumangon ka na ayos ka naman daw sabi ng nurse."At isinalpak na muli ang earphone sa tainga nya.

Bakit ba ang antipatiko ng isang to. He annoys me kahit dalawang araw pa lang kami nagkikita.

Manang mana sa kuya.

Pero si Migo pumilit sa'kanyang dalhin ako dito?

Kinapa ko ang ulo ko. Wala naman akong nakapang bukol kaya medyo nakahinga ako ng maluwng. Nahilo lang sirugu talaga ako kanina ng bigla yun tumama sa ulo ko.

I love you ChrisMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon