heart to heart talk

433 11 0
                                    

Chris POV.

Kanina pa ako pabaling baling hindi ako malatulog. Hindi ko alam kung dahil nasa ibang bahay ako or dahil sobrang laki ng bahay na'to.

O baka dahil sa

"Goodnight"

Aaaaarrrrrggggg...

Bwisit umaalingawngaw ang boses ni Milo sa utak ko.

NapabLikwas na ako ng bangon at nagpasyang lumabas ng kwarto.

Paano ba ako hihingi ng tubig??

Wala nga pala lang katulong hayst.. Babalik na sana ako sa kwarto ko ng may magsalita.

"What do you need?"

Napalingon agad ako.

"May kailangan ka ba?"Ulit nito na nakataas pa ang kilay.

"Ah.. Kasi..."Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Lika na sa ibaba."Nagpati-una na syang bumaba.

Kahit nag-aalinlangan ako sumunod na ako.Nauuhaw na din kasi talaga ako.

Ng makababa ako nadatnan ko sya sa may kusina at nagkakalkal ng ref.

Nagpunta din ako sa kusina.

"Sandali lang ah."Sya.Habang nagkakalkal sa ref.

Uupo na sana ako sa upuang nandun ng magsalita muli sya.

"Wag kang Umupo doon tayo sa pool."Wika nito.Nahinto tuloy ako sa pag-upo.

May swimming pool ba sila?Ng pumunta naman kami sa garden wala naman.

Di kaya nagsleep walk si Milo?

"Hoy!!"Inis na tawag ni Milo.

Nakapaglakad na pala sya papunta sa hagdan.

Wala akong nagawa kundi sumunod.

Pero hindi sya sa baitang ng hagdan pumunta.Bagkus sa gilid ng hadan .

"Dalian mo."Inis nanaman niting sabi.

"Oo na.Gising ka na ba?"Di ko na napigilang masabi.

"Ano?May natutulog bang dilat?Tssss..."Sungit nanaman ng ungas na 'to.

Ng makalapit ako sa'kanya.

Doon lang sya kumilos upang buksan ang secret door sa ilalim ng hagdan.

bodega?

Akala ko ba pool?

Bakit pupunta kami ng basement?

Pero bago pa man ako magtanong may narinig akong lagaslas ng tubig.

Mayamaya lang ay may pinidot si Milo na nagpailaw ng bahagya sa loob.

"Lika na mas ma-aamaze ka sa loob."Ngisi ni Milo.

"Ha?"Hindi ako makaget over.

"Tsss..."Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok.Bumungad sa mata ko ang batong hagdan. Yung batong parang makikita mo sa mga kweba ganun ang makikita mo.

Makitid na daan ang dinaanan namin .Mga limang baitang lang naman ang ibinaba namin.

And I Was Like this (OoO) ng makita ang paraiso este ang swimming pool ng Alejandro.

Nakakita na ba kayo ng Mini falls sa isang kweba??Ganun ang itsura ng swimming pool.Ang buong lugar ay tila nasa kweba ka. Ultimo ang bato doon. Ang ilaw na gamit ay kulay blue. Yung blue na parang kulay ng langit pag malapit ng mag-umaga. Napakaganda.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon