Baby shoes.

382 9 0
                                    

Chris POV.

"Ano ba yan.tama pala si Milo. Ngayon ko lang napansin halos walang ipagkakaiba ang mga designs namin ni Dick sa designs dito."Mahina kong sabi sa sarili ko habang tumitingin tingin sa mga store na kadalasang pinpuntahan ng mga taong target ng project namin.

Pumasok na rin ako sa store at tinignan ang telang gamit nila. May nagustuhan naman akong tshirt at blouse kaya binili ko.Nagpalibot libot pa ako sa ibang store hanggang sa makapasok ako sa isang Baby store.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. In few months siguradong magkaka-anak na sila Justin at Honey. 3months na siguru ang tyan ni Honey. Between 2 or 3 months maybe.Babae kaya yun O lalake?

Sana pala hindi ako nagcontrol baka unang taon pa lang namin ni Justin nagpakasal na kami.Pero kung ginawa ko yun paano kung may anak na kami at bumalik si Honey?I know that he will still choose Honey over me kahit siguri may anak na kami. Matalino talaga ang Dyos. Hindi nya hinayaang magka-anak kami ni Justin dahil siguru hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Kumuha ako ng isang sapatos pambabae at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Maganda ang pagkakagawa at pagkakadesign ng sapatos na'to. Kahit ako naakit sa ganda. Malambot pa ang ginamit na materials saktong sakto sa mga batang magsusuot.Babae siguru ang anak ni Honey.

Lalakad na ako papunta sa cashier ng may makasalubong akong couple na magkahawak kamay habang tumitingin ng mga gamit ng bata.

Napatingin sila bigla sa'kin.

Hindi ko alam pero bigla na lamang nanlamig ang kamay at paa ko.

"Chris."Sya ang unang unang nagsalita.Kitang kita ko namang bumitiw ang kasama nya sa pagkakahawak sa'kanya.As if gusto nyang magbigay respeto sa'kin.

Humugot ako ng hininga kahit nararamdam ko na labis ng nanlalamig ang mga kamay ko.

"Hi."Magandang ngiti ko.

"Ka..Kamusta Chris?"Bigla silang napatingin sa hawak hawak kong sapatos.

Kahit nakakaramdam ako ng kaba I manage to smile."Im Okay.You Honey?Kamusta ang pagbubuntis."Tumingin pa ako sa medyo maumbok nyang tyan.Hindi ba parang malaki ang tyan nya para sa Dalawa o tatlong buwan na pagbubuntis.

"Okay naman ako Chris."Humawak pa sa tyan nya.

"Ah anong ginagawa mo dito Chris."Tumingin pa sa cute na shoes na pangbabae. Parang alam ko na kung anong iniisip nya.

Natawa tuloy ako.

"Ah.. This..Don't worry its not for me. I mean its not for my baby."Ngiti ko.

"I know."Ngiti ni Justin."Baka gusto mong sumama samin maglaunch."Lalo pang lumawak ang ngiti nya.

"Ah hin....."

"Chris."Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko sa likod ko ay nakaakbay na sya sa'kin.

"Milo."Magiliw na bati ni Honey kay Milo.

"Hi Honey.Kamusta pre."Bati din kay Justin.Hindi sya nakipagkamay sa mga ito dahil may hawak syang one stem rose sa kamay na hindi nakaakbay sa'kin.Tumingin sya sa'ki."Akala ko umuwi ka na sorry kung medyo nalate ako ng dating.Binili ko pa 'to for you."At inabot sa'kin ang isang stem rose.

Nagulat ako at tumingin kay Milo. Ang alam ko akong mag-isa lang ang magsa-shopping at mag-oobserve sa mga tinda. At.. ano 'to?Rose?Bakit nya ako binibigyan nito.

Naramdaman kong dahan dahan nya akong pinindot sa shoulder.At nginitian ako ng napakamaganda.

"Tha...thank you.."Hindi ko alam kung namumula ba ako or what.

I love you ChrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon